"Si Adam ka ba talaga?" Tanong ko sakanya habang nakasakay kami sa taxi. Hindi sya sumagot. Tahimik lang sya at nakatingin sa labas ng bintana. Katabi ko sya dito sa taxi pero parang wala rin akong katabi dahil sa tahimik lang sya at walang kibo. Ako lang yung dumadaldal.Ang susyal ng Kuya mo maraming pera nakuha pang magtaxi para lang ihatid ako sa bahay namin. Opo tama ang nababasa nyo. Sya pa mismo ang nagsabi na ihahatid na nya ako dahil gabi na. Syempre ang Ate girl nyo pumayag na hindi na ako mag iinarte pa dahil ako rin naman ang mahihirapan sa sitwasyon kong to kung magjejeep ako at maglalakad papunta sa bahay.
At isa pa! Ngayon nalang ulit kami nagkasama ni Adam. Bihira nalang yung ganito kaya grab the opportunity na.
"Manong dito nalang po." Sabi ko. Kaagad naman hininto ni manong ang taxi sa tapat ng bahay na tinitirhan namin.
"Yun yung bahay namin." Sabi ko kay Adam. Itinuro ko ang bungalow namin na bahay. Tinignan naman iyon ni Adam. Tumango lang sya bilang sagot.
"Thank you ah. Ingat ka." Sabi ko nalang kay Adam at saka ako lumabas ng taxi. Kumaway ako ng paalis na ang sasakyan kahit na alam kong hindi naman nya makikita dahil nasa loob sya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at nagtaka ako ng makitang nandito na si Papa. Ang aga nya atang umuwi ngayon?
Hindi ko sya maistorbo dahil nasa sala sya at may kausap sa cellphone. Mukhang seryoso ang usapan nila ng kausap nya dahil nakakunot ang noo ni Papa akala mo'y problemado.
Nagpakita lang ako kay Papa at sumenyas na papasok an ako sa kwarto ko. Tumango naman sya bilang sagot.
Ibinaba ko ang bag ko sa gilid ng kama at saka nahiga. Hindi naman na ganon kasakit ang tuhod ko. Mabuti nalang natatakpan ng pencil skirt ko ang tuhod ko kaya hindi napansin ni Papa.
Nakapaglinis ako ng katawan at ready na ako sa pagtulog ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong tinignan ang reply ni Tita Cathy sa messenger.
Napangiti ako ng balitaan ulit ako ni Tita. Sinabi nito na nakauwi na si Adam kanina at ngayon daw ay nasa kwarto na ito at nagpapahinga.
"Baka naman natamaan ng bola ng volleyball kaya nagkaganon si Adam? Nako iba na yon ha!" Sabi ni Hennesy.
Narito kami sa school canteen at sabay sabay na kumakain ng miryenda. Nasabi ko kasi sakanila yung nangyari saakin kahapon.
"Ano ka ba! Baka may gusto na sya kay Seriena kaya ganon?" Sabi naman ni Jilliana.
"Shhh. Imbis na makapagmove on tong si Seriena pinapaasa nyo pa." Sabi naman ni Kiko.
Tahimik lang akong kumakain habang pinapakinggan silang mag usap. Parang lumilipad ang utak ko ngayon. Napapaisip talaga ako kay Adam. Nagtataka kasi ako kung paano sya napadpad doon sa lugar na yon. Malayo doon ang field at ang engineering building para dumaan sya doon? Pwede naman syang dumaan sa ibang ruta na mas malapit para makalabas ng school?
Kung kelan ako nagmomove on saka sya ganon! Nakatiis ako ng isang linggo na hindi sya dinidikitan tapos sya naman tong bigla biglang lumapit kagabi sanang umiwas nalang sya diba? Edi hindi ko palaisipan yung nangyari kagabi! Ano ba naman yan!
Pauwi na ako ngayon sa bahay at naglalakad papasok ng kanto ng mapansin ko ang pick up ni Papa na nakapark sa tapat ng bahay. Hindi nya naman kasi inuuwi ang pick up na yun dahil sa restaurant yon ginagamit at nakakapagtaka na nandito iyon ngayon.
BINABASA MO ANG
Who Would have Known (COMPLETED)
Roman pour Adolescents"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko. "No thank's." at nilagpasan nya ako. Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang m...