"Hanggang saan mo ako kailangan sundan?" Tanong ni Adam saakin habang naglalakad sya ng hindi humaharap saakin.
At dahil tapos na ang bakasyon ito kami ngayon pumapasok na sa school. First day of school namin ngayon ni Adam bilang college student. Kasabay kong maglakad si Adam papasok ng school at ito kami nasa loob na ng campus.
Syempre labag na naman sa loob nya ang pagsabay ko kung hindi lang sya pinilit ni Tita hindi nya ako hihintayin. Nauna kasi syang makapag ayos saakin at nalate ako ng gising kaya ayun 30 minutes naghintay si Adam kaya malamang badtrip na naman sya saakin.
"Gusto ko lang sanang makita kang pumasok ng building nyo." Sabi ko sakanya. Medyo magkalayo kasi ang building namin dalawa. Education ang kinuha kong kurso habang sya ay Engineering.
"Hindi na ako bata para ihatid. Huwag mo na akong sundan." Sabi ni Adam kaya huminto na ako sa paglalakad. Kailangan sundin ang isang Adam Charles baka mamaya magalit na naman yun saakin mahirap na no.
Lumiko na ako at pumunta na sa building namin. Hindi ko kaklase yung dalawa dahil iba ibang kurso ang kinuha naming tatlo. Sana may kakilala ako sa mga kaklase ko.
Dahil college na kami hindi na gaanon kacute tignan ang uniform namin nung high school. Ang isusuot namin sa college halos magkapareho lang rin sa pang itaas na uniform namin nung high school yung palda lang ang naiba. Ginawang pencil skirt na below the knee ang palda ng uniform namin, black shoes pa rin pero this time with heels na and still white long sleeve with blue na necktie. In short mas pormal na ang suot namin ngayon hindi kagaya noon na akala mo sailor moon ang uniform namin.
Ang uniform naman nila Adam ay simpleng white polo shirt na may maliit logo ng school namin sa bandang kaliwa ng polo at pants. Any shoes pwede nilang isuot basta closed shoes. Buti pa sila parang pang OOTD yung uniform.
Pagkatapos ng klase ko ngayong araw na to kaagad akong dumiretso sa building nila Adam para sana sabay na kaming pumunta sa restaurant namin. Nagyaya kasi si Papa ng dinner sa restaurant at sinabi nito na celebration daw dahil first day ng pagiging college student namin ni Adam. Nag iisang anak lang ako kaya ganon si Papa na every achievements kailangan ipaghanda. Pinaunlakan naman ng pamilya ni Adam ang imbitasyon ni Papa sakanila.
Mauuna kasing matapos ang klase ko ngayon kaysa kay Adam. Alam ko ang schedule nya dahil binigyan ako ni Tita Cathy ng copy ng schedule ni Adam. Alam nyo naman si Tita push na push saakin pagdating kay Adam na kahit hindi ko hinihingi eh binibigay nya.
Kasama ko ngayon sila Hennesy and Jilliana dahil alam nyo naman na mga supportive friends ko tong mga to. Sinamahan nila akong maghintay. Nandito kami sa may bench malapit sa building nila Adam. Makikita namin syang lumabas dito dahil hindi naman kalayuan ang pwesto namin sa building nila.
"Puro lalaki ang nakikita ko sa building nila." Sabi ni Hen habang tumitingin sa mga taong lumalabas at pumapasok sa building ng Engineering.
"Feeling ko bihira lang ang nag engineering na babae." Sabi naman ni Jilliana.
"Sya palang yung nakikita kong babae." Turo ko sa babaeng kalalabas lang ng building. Sa 20 minutes namin na pag aabang dito sya palang ang babaeng nakikita namin sa building na to.
"Uy! Si Adam oh." Sabi ni Hennesy saamin kahit na nakikita naman namin si Adam na kalalabas lang rin ng building.
Nilagpasan nya iyong babaeng tinuro ko kanina pero huminto sya ng tawagin sya nito. Para akong naalarma sa nakikita ko.
Kasi naman! Maganda si Ate girl at matangkad! Maputi pa! Napanguso ako sa inggit! Nag uusap pa sila ni Adam.
"Hala! Magkakilala sila?" Sabi ni Jilliana. Niyugyog nya pa nila ang balikat ko. Nasa magkabilang gilid ko nakaupo yung dalawa kaya sabay silang yumugyog sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Who Would have Known (COMPLETED)
Fiksi Remaja"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko. "No thank's." at nilagpasan nya ako. Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang m...