Kinabukasan half day lang ang pasok ng mga bata kaya maaga akong natapos sa OJT ko kaya dumiresto na ako sa school para doon nalang ako maglulunch.
Pagdating ko sa school dumiretso ako sa building nila Adam para yayain syang sabay kaming maglunch. Ako na ang makikipag usap sakanya dahil kung mamamatigas rin ako walang mangyayari saamin. Tinext ko na rin naman sya na sabi ko nasa school ako at sabay kaming kumain ng tanghalian.
Pumasok ako sa loob ng building nila Adam at umakyat sa 4th floor para puntahan si Adam sa classroom nya. Patapos narin naman ang klase nga 11:30 na rin ng tanghali.
At saktong pagdating ko sa harap ng classroom nila Adam lumalabas na ang mga klase nya.
"Uy! Seriena napadpad ka dito?" Tanong ni Terrence saakin ng makalabas sya ng pinto. Nakipaghigh five pa sya saakin.
"Si Adam?" Tanong ko sakanya magkaklase pa rin kasi sila hanggang ngayon.
"Nandoon pa sa loob. Sandali tatawagin ko." Sabi ni Terrence at saka pumasok sa loob ng classroom nila. "Adam! Si Seriena nandito!" Sigaw ni Terrence tapos lumabas ulit ng classroom nila.
"Mauna na ko ah. Badtrip na naman yung boyfriend mo." Sabi lang ni Terrence saakin at saka sya umalis.
Pagkaalis ni Terrence lumabas na si Adam ng classroom nila kaya kaagad ko syang nilapitan.
"Kain na tayo?" Tanong ko kay Adam. Tumango lang sya bilang sagot at nauna na sa paglalakad.
Napabuntong hininga nalang ako at saka sumunod sakanya. Tahimik lang sya habang naglalakad kami hanggang sa makalabas kami ng building. Wala talaga syang balak kausapin ako.
"Half day lang ang pasok ko ngayon. Wala na akong OJT mamayang hapon pero may pasok pa ako mamayang gabi." Sabi ko kay Adam kahit hindi nya tinatanong.
Hindi pa rin nagsasalita si Adam hanggang sa makapasok kami sa canteen.
"Maupo kana." Sabi ni Adam kaya tinanguan ko nalang at naghanap ng bakanteng upuan.
Nakaupo ako ngayon sa may pangdalawang upuan habang nakatingin kay Adam na ngayon ay naglalakad na papunta dito sa pwesto ko at may dalang tray na naglalaman ng pagkain namin.
Tahimik pa rin sya hanggang sa makaupo sya at mailapag ang pagkain sa lamesa.
Huminga ako ng malalim at ipinakita kay Adam yung bracelet na suot ko. Hindi naman sya nagulat.
"Nakita ng isang bata sa classroom na tinuturuan ko. Kahapon pa nasaakin to." Sabi ko kay Adam. Akala ko matutuwa sya dahil nasaakin pa rin ang bracelet nya pero wala sya sa mood. Blank face parin ang expression ng mukha nya.
Nagsimula na syang kumain na para bang wala syang pakielam sa sinabi ko.
"May problema ka ba? Sabihin mo naman saakin. Ang hirap mangapa." Sabi ko kay Adam at sumandal sa upuan. Napabuntong hininga ako sa nangyayari kay Adam. Naguguluhan na ako sakanya.
"Kung nahihirapan ka pwede mo naman akong iwan." Sabi ni Adam habang nakayuko at abala sa pagkain nya.
"Adam naman...bakit ganyan kadali sayong sabihin yan? Hindi naman kita iiwan." Pagod kong sabi sakanya. Kahit naman nasasaktan ako ni hindi ko naisip na iwan sya tapos sasabihin nya saakin yan? Bakit parang okay lang sakanya na iwan ko sya?
Hindi na sya nagsalita. Tahimik na naman sya at naging abala sa pagkain hanggang sa naubos nya ang pagkain nya. Inilabas nya ang notebook nya at nagbasa.
Akala mo wala ako sa harap nya at nagkaroon sya ng sariling mundo.Napabuntong hininga nalang ako at kumain nalang. Gusto kong pag usapan yung problema ni Adam pero ayaw naman nyang pag usapan. Paano kami magiging maayos kung ganyan sya?
Pagkatapos namin kumain magkasama pa rin kami ni Adam hanggang sa dumating na yung oras ng klase nya kaya mag isa nalang ako. Nagstay nalang ako sa gazebo at mag isang tumambay. Inayos ko nalang rin ako ng report ko para mamaya.
Dumating ang alas kuatro at natapos na ang klase ni Adam pero dumiretso na kaagad sya na magpalit ng jersey at rubber shoes para sa training nila kaya dumiretso nalang ako sa field para hintayin sya.
"Seriena!" Tawag saakin ni Terrence mula sa ibaba sa court.
Nandito ako ngayon sa field at nakaupo sa bleachers dahil manunuod muna ako ng training nila bago pumasok mamayang ala sais.
"Hindi ko pala naibigay kanina to. Pinabibigay ni Mama." Sabi ni Terrence ng makalapit saakin. Inabot nya saakin ang isang paper bag at kaagad ko naman iyon kinuha.
"Si Tita talaga. Thank you." Sabi ko sakanya at nginitian sya. Wala pa ring ipinagbago ang Mama ni Terrence mabait pa rin ito saakin.
"Sige na babalik na ako sa court." Sabi ni Terrence kaya tinanguan ko nalang sya. Bumaba na sya ng bleachers at nagpunta na sa court.
Maya maya dumating na si Adam sa court at makapagpalit na rin. Ibinaba na nya ang gamit nya sa tabi ng mga gamit ng ibang teammate nya na nasa ibaba ng bleachers habang ako nasa taas naman ng bleachers para makanuod ng maayos.
Nag ayos na rin ako ng upo dahil ayaw na ayaw ni Adam ng hindi ako parang babae umupo lalo na nakaskirt ako.
Nginitian ko nalang si Adam ng magtama ang tingin namin. Seryoso pa rin ang mukha nya hanggang ngayon. Ang problemado nyang tignan. Nababahala ako.
Sabay kaming umuwi ni Adam dahil hinintay nya ako na matapos ang klase ko ngayon gabi pero hindi pa rin sya kumikibo hanggang sa makauwi kami.
Pagdating namin sa bahay napansin namin ni Adam na maingay sa dining kaya dumiretso kami doon at naabutan silang nakaupo na sa kanya kanya nilang pwesto. May nakahain na rin na pagkain sa lamesa. Alas nuebe na ng gabi hindi pa sila nag hahapunan?
"Ano pong meron?" Tanong ko sakanila dahil natuon na ang atensyon nila saamin ni Adam. Seryoso ang mukha nila ngayon nakakapagtaka.
"Hinintay talaga namin kayo. May sasabihin daw kasi si Mon." Sabi ni Tita Cathy at bumuntong hininga.
"Maupo na kayo." Sabi naman ni Tito Arnold.
Naupo na kami ni Adam sa sariling pwesto namin dito sa dining. Bakit ako kinakabahan? Bakit ang seryoso ng mukha nila?
Tumingin ako kay Cyrus at nagtanong ng walang tunog sakanya kung anong meron pero nagkibit balikat naman sya.
"Ito na ang huling araw natin na magkakasama sa iisang bahay. Sa wakas nagkaroon na rin kami ng sariling bahay ni anak ko." Sabi ni Papa na ikanalaki ng mata ko sa gulat.
Parang biglang naghang ang utak ko at tumingin sa mga taong nasa harap ng lamesa. Nakita ko si Adam na napapikit at napabuntong hininga. Kaya ba sya problemado dahil alam nyang lilipat na kami ng bahay?
Bakit ngayon lang sinabi ni Papa saakin to?
"Po?" Tanong ko kay Papa dahil hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinasabi ni Papa o malulungkot. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Nabibigla ako sa mga pangyayari.
"Seriena anak may nabili na akong sarili nating bahay. Makakalipat na tayo bukas." Sabi ni Papa at bakas sa mukha nito ang pagkagalak.
Napatingin ako kay Adam. Anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Who Would have Known (COMPLETED)
Fiksi Remaja"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko. "No thank's." at nilagpasan nya ako. Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang m...