"You must be very happy."Napahinto ako sa pagpasok sa loob ng kwarto kung saan ginaganap ang party namin ng harangin ako ng isang babae na ngayon ko lang napansin. Siguro eh kaklase sya ni Adam. Matangkad syang babae at balingkinitan.
"Ha?" Tanong ko sakanya dahil hindi ko gets ang sinasabi nyang masaya ako. Masaya ako saan?
"Everything went the way you wanted it to do. Thanks to you, Adam couldn't go to UE. Because you are stupid, you disturbed a smart person's life. You are the worst." Sabi nya saakin.
Napanganga ako sa sinabi nya saakin. Medyo nahurt ako sa sinabi nya. Totoo yon pero yung ipamukha pa saakin na kasalanan ko masakit talaga yung point na yun. Pinagsisihan ko naman yun at isa pa matagal na ang pangyayaring yun months na ang nakalipas. Sino naman ang sasaya sa ganong pangyayari? Napakasama ko naman tao kung ganon.
Bakit ganon ang mga tao? Malakas ang loob nilang magsalita sa mga bagay na hindi naman talaga nila alam ang pangyayari? Bakit ang bilis nilang magjudge ng tao?
Bakit hindi matuto ang mga tao na magtanong muna bago magconclude or magpasya ng mga bagay na hindi naman sila sigurado? Gumagawa sila ng issue na hindi naman totoo at iyon ang paniniwalaan nila. Ang ending ako ang masama sa paningin nila. Ni hindi nila alam ang effort at hopes ko na makapasok sya sa UE tapos pagsasalitaan nya ako ng hindi maganda. Ni hindi nga kami close or magkakilala para pagsabihan nya ako ng ganyan.
"It wasn't her fault."
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Adam at alam kong nakatingin na rin ang babaeng kausap ko sakanya. Nasa harap kami ng pinto ng venue nag uusap kaya malamang madadatnan nya kami rito.
"She wasn't the reason why I didn't go to UE." Sabi pa ulit ni Adam.
I didn't know he could be this nice. I'm impressed dahil mukhang ipinagtatanggol nya ako sa kaklase nya. Anong masamang hangin ang dumaan at nakakapagsalita ng ganyan si Adam?
"Why do I have to give up UE for this stupid girl?" Dagdag ni Adam sa sinabi nya dahilan para malaglag ang panga ko sa sinabi nya. What the? Akala ko ba naman ipinagtatanggol na ako nito hindi naman pala.
Sabagay. Kailan nya ba ako ipinagtanggol diba? Si Adam pa ba? Eh hate ako nyan. Nawala ang expectation ko sa akala ko ay ipagtatanggol ako ni Adam.
"That's right. Hindi sa isang babaeng katulad mo sasayangin ni Adam ang mga importanteng bagay. Hindi ka naman importante sakanya." Sabi ng babaeng nandito. Hindi ko sya nilingon sa sinabi nyang iyon. Napabuntong hininga nalang ako.
Grabe ha. Kahit mukha akong insensitive na tao nasasaktan rin naman ako sa mga sinasabi saakin. Hindi sa lahat ng oras kaya kong tanggapin ang mga masasakit na salita na binibitawan nila at gawin itong biro. May mga oras rin na naabsorb ko ang mga sinasabi nilang masasakit saakin. Hindi naman ako ganon katapang para tanggapin lahat ng sinasabi nila.
"Napaka insensitive nyo." Sabi ko sakanila. Ni hindi naman yata nila maisip manlang na masasaktan ako sa mga sinasabi at ginagawa nila saakin. Hindi manlang nila naisip ang mararamdaman ko bago sila magsalita.
"But you love this insensitive man, don't you?" sabi ni Adam at nagsmirk. May naglalarong ngiti sa labi nya.
Hindi ko sinagot ang sinabi nyang iyon. Para bang proud pa sya na may gusto ako sakanya na isa akong tangang babae na gagawa ng kahihiyan para mapansin nya lang.
Ilang beses na akong napahiya sa harap ng maraming tao dahil kay Adam. Napagtawanan rin ang mga tao dahil kay Adam. Gumawa ako ng bagay na hindi ko akalain na gagawin ko dahil pa rin iyon kay Adam. Oo ginawan ko rin sya ng maraming kahihiyan at naistorbo ko talaga ang buhay nya nung nagconfess ako at tumira kami sa iisang bahay.
BINABASA MO ANG
Who Would have Known (COMPLETED)
Teen Fiction"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko. "No thank's." at nilagpasan nya ako. Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang m...