Kabanata 42

205 10 0
                                    

Nandito ako sa kusina at hinihiwa ang cake para mabigyan sila sa sala. Nandoon kasi sila at nagkukwentuhan.

"Seriena, may I speak with you outside for a bit?" Tanong ni Chesca saakin ng lapitan nya ako. Kaagad kong itinigil ang ginagawa ko at saka tinanguan si Chesca.

Dumaan kami sa pinto dito sa kusina para makalabas. Nagpunta kami sa may harap ng bahay at naupo sa bakal na upuan.

"I've been wanting to talk to you." Sabi ni Chesca ng makaupo kami. Matagal na rin nung last na nakapag usap kami.

"The truth is, my mother and I are both jealous of you." Sabi ni Chesca na ikinagulat ko.

"Ha? Bakit naman?"

"Well, you've been living with Adam for 4 years, right? Not only that, but Tita Cathy is fond of you, too. That's why we're envious of you. Huwag mo sanang masamain." Nahihiyang sabi ni Chesca. Tumitingin naman sya saakin habang kinakausap ako pero halatang nahihiya sya saakin. Hindi nya alam na may gusto ako kay Adam pero wala naman akong balak sabihin pa iyon dahil nagkakamabutihan naman na silang dalawa at ayokong makasira sa relasyon na meron sila.

"Huwag kayong magselos saakin. Isa lang naman akong anak ng kaibigan nila Tito." Sabi ko sakanya para hindi na sya mabagabag. Nginitian naman nya ako sa sinabi ko.

"Uhm...Chesca...Ano yung nagustuhan mo kay Adam?" Tanong ko sakanya kahit na nahihiya rin akong itanong iyon sakanya.

"He's gentleman and very kind. Matalino rin sya. Nagkakasundo rin kami sa ibang bagay." sabi nya at bakas sa mukha nya ang ngiti habang sinasabi nya iyon.

"Ah...talagang gusto mo sya no? Mukhang gustong gusto ka rin naman ni Adam. Ikaw yung unang babae na niligawan nya." Sabi ko sakanya at bahagyang tumawa. Hindi ko akalain na sasabihin ko ito sa harap ng babaeng gusto ni Adam.

"Balak ko na nga syang sagutin." Sabi ni Chesca na ikinatigil ko. Tuluyan na akong nawala sa mood.

Sinusubukan kong icheer up ang sarili ko dahil birthday ko ngayon pero hindi ko magawa. Masyado ng napupuno yung puso ko sa mga bagay na ikinasasakit nito dahil kay Adam.

Pagkatapos namin mag usap ni Chesca nagpaalam na syang uuwi na sya at hinatid sya ni Adam pauwi. Habang sila Tito at Papa naman nag iinuman at nagkukwentuhan sa labas ng bahay gabi na rin kasi. Si Tita Cathy abala sa kusina habang si Cyrus nasa kwarto na.

Kalalabas ko lang ng CR dahil naligo ulit ako. Akmang aakyat na ako ng hagdanan ng pumasok si Adam sa pinto.

"Adam..."

Tawag ko sakanya kaya tumingin sya saakin. Hinihintay nya akong magsalita.

"Gustong gusto ka ni Chesca. Ang bait nya rin talaga. Nakausap ko sya kanina kaya hindi na ako nagtataka na nagustuhan mo sya." Sabi ko sakanya. Ngayon ko nalang ulit sya nakausap ng ganito.

"She's pretty right? And a good cook, too." Sabi ni Adam. Halata sakanyang proud sya kay Chesca. Tumango naman ako bilang sagot.

"You will find a good man too Seriena." Sabi ni Adam at saka ako nilagpasan. Nauna na syang umakyat sa hagdanan.

Napabuntong hininga ako dahil bumigat na naman ang pakiramdam ko. May mga araw talaga na malulunod ka sa lungkot at nagkataon pa na sa special na araw ko.

Kinabukasan nagcelebrate kami ng birthday ko kasama ang mga kaibigan ko. Sila Jilliana, Hennesy, Kiko at Terrence ang kasama ko kumain kami sa isang restaubar nagpareserve kami ng isang room. Hindi naman kami nag iinuman dahil hindi naman kami umiinom talaga. Si Terrence lang at Kiko ang umiinom saamin kaya lang hindi na sila nag abala pang gawin yon. Kumakain lang kami at umiinom ng soft drinks kumakanta rin sila sa mic dahil may TV dito sa room at pwedeng kumanta.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon