Sa wakas! Bakasyon na namin! Natapos na rin ang second sem bilang 3rd year student sa college! Pahirap ng pahirap ang mga pinag aaralan namin pero ang sarap sa feeling na nakakasurvive ako every sem!Isang taon nalang gagraduate na ako. Bakit parang bilis?
Ito ako ngayon nasa bahay. Start na ng bakasyon namin ngayong araw!
Napagpasyahan kong tumulong ulit sa restaurant namin. Kada bakasyon kasi tumutulong ako kay Papa taga hugas ng pinggan o kaya naman taga dala ng order sa lamesa. Yung mga magagaan na bagay lang kasi yung pinapagawa saakin ni Papa dahil may mga tauhan naman ito.
Kaya ito ako ngayon papunta na sa restaurant namin magtataxi pa tuloy ako papunta ang mahal pa man din ng taxi. Hindi naman pwedeng mag tricycle dahil mababasa ako ng ulan. Malakas ang ulan ngayon kaya nagdala na rin ako ng payong nagbaon pa ako ng sapatos dahil kailangan kong magtsinelas muna kanina dahil naglakad ako palabas ng subdivision para makasakay.
Pagkarating ko sa restaurant nagpatuyo pa ako ng paa dahil medyo basa pagkatapos non ay nagsuot na ako ng sapatos at tumulong na.
"Anak, magdala ka ng tubig sa table 4." Sabi ni Papa saakin nung pumasok ako sa kitchen. Sinunod ko naman ang sinabi nya.
Kumuha ako ng pitcher at baso. Naglagay rin ako ng yelo doon sa baso pakatapos inilagay ko iyon lahat sa tray para madali kong maidala.
Halos buong isang linggo ganon ang ginawa ko. Kundi taga dala ng inumin, taga ligpit ng pinagkainan. Medyo nakakapagod dahil marami ang kumakain lalo kapag tanghali dahil malapit sa mga business establishments. Mostly mga empleyado ang mga kumakain.
"Seriena umuwi kana para makapagpahinga kana baka abutan ka na naman ng malakas na ulan mahihirapan kang umuwi nyan." Sabi ni Papa saakin nakaupo ako dito sa loob ng counter dito sa may cashier part nila.
"Sige po." Sabi ko nalang at nagtanggal na ng hairnet. Kinuha ko na rin ang gamit ko.
"Alis na ako Pa." sabi ko at lumabas na sa loob ng counter.
"Iuwi mo to sa bahay." Sabi ni Papa at inabot saakin ang plastic na may laman na pagkain.
Naglalakad na ako pauwi sa bahay. Umuulan na naman ngayon mabuti nalang nagdadala akong payong. Mag aalasais na rin ng gabi.
Habang naglalakad ako napansin ko si Adam na naglalakad papunta sa direksyon ko. Galing siguro sya sa bahay nila.
"Uy! Adam!" Tawag ko sakanya. Huminto sya sa paglalakad at tinignan ako.
Mabilis akong lumapit sakanya. Wala syang dalang payong at basa na sya. Galing na sya sa bahay nila hindi pa sya nagdala ng payong?
"Uuwi kana?" Tanong ko kay Adam pagkalapit ko sakanya at pinayungan sya kahit na nabasa na sya.
Kinuha ni Adam yung payong saakin at sya na ang naghawak. Napansin nya siguro na struggle para saakin na payungan sya dahil matangkad sya.
Hindi sya sumagot. Tahimik lang kaming naglalakad palabas ng subdivision. Ihahatid ko na sya hanggang sa makasakay sya dahil umuulan.
Hindi nagsasalita si Adam hanggang sa makarating kami sa labas ng subdivision at hanggang sa makasakay sya ng jeep.
Napabuntong hininga nalang ako. Ano kayang nangyari don? Bakit parang ang problemado nya masayado? Para syang badtrip na hindi ko malaman.
BINABASA MO ANG
Who Would have Known (COMPLETED)
Teen Fiction"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko. "No thank's." at nilagpasan nya ako. Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang m...