Kabanata 10

210 11 4
                                    

Kumatok ako sa kwarto ni Adam at Cyrus bago pumasok. Nadatnan ko si Adam na nasa harap ng study table nya habang si Cyrus naman ay tulog na sabagay 11 na ng gabi.

Dumiretso ako sa pwesto ni Adam at tumayo sa gilid nya. Inilapag ko sa lamesa nya iyong binili kong ballpen kanina ang mahal din non ah! Tinignan nya iyon sandali pagkatapos ay ibinalik nya rin ang tingin nya sa binabasa nya.

"Mag eexam ka bukas diba?" tanong ko kay Adam. Naitanong ko yon dahil nakita ko iyong librong binabasa nya hindi iyon tungkol sa mga subjects sa school kundi novel! Ang kapal ng libro.

"I submitted the application." sabi ni Adam ng hindi nakatingin saakin. Napangiti ako at nakahinga ng maluwag.

"Hindi naman sa nakikielam ako ha pero sa tingin ko mas matutuwa ang parents mo kung pipiliin mo yung University of Elite." sabi ko sakanya.

Syempre mapapasa nya yung mga entrance exam na tinake at itatake nya pa at mas maganda kung pipiliin nya yung UE tutal doon narin nagtapos ng pag aaral ang Papa nya pati narin ang Papa ko. Pero syempre hindi nya ako pinilit na doon narin magcollege dahil alam nya naman ang mangyayari. Kailangan kasi sa University of Elite 90 paatas ang average eh 85 lang ang average ko kaya hindi ako pasok.

"Ako kasi palagi nalang sakit ng ulo ang binibigay ko kay Papa kahit na gusto ko rin sundin ang sinasabi nya pero impossible dahil mataas ang standards ng UE pero ikaw oppurtunity mo na yon dahil matutupad ang gusto ng Papa mo." sabi ko naghihintay akong magsalita sya pero nakailang segundo na tahimik parin. Sabagay hindi naman talaga ako kinakausap ni Adam ako palagi ang nagsisimula ng usapan.

"Ah sige lalabas na ko." sabi ko. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa pinto.

"What are you..." napahinto ako sa pagbubukas ng pinto ng magsalita sya. Nilingon ko sya at nakitang nakaharap na sya saakin. "...planning to do in college?" kumunot ang noo ko sa tanong nya.

"Mag aaral syempre at makikipagkaibigan sa mga bagong kaklase." sabi ko. Kahit na nagtataka sinagot ko parin.

"You are going there to study which you don't enjoy doing." sabi ni Adam bahagya akong tumungo kahit hindi ko gets ang pinupunto nya "I don't understand why everyone is deperate to go to college."

"College are supposed to be for people like you to study." sabi ko. Lumapit ako sakanya para makausap ko sya maayos.

"Ayokong mag aral." sabi ni Adam na ikinatigil ko. Anong nangyayari sakanya? Lately ang weird ng mga sinasabi nya.

"Huh? Paano mo ihahandle yung company nyo kung hindi ka mag aaral?" tanong ko. Syempre mahalaga ang matututunan sa college doon mo malalaman kung ano ba talaga ang gusto mo in the future.

"Hindi ko alam. Sige na matutulog na ko." sabi ni Adam. Tumango nalang ako. Tumayo na sya sa pagkakaupo at nagpunta na sa kama nila ni Cyrus.

Lumabas na ako sa kwarto nila at nagpunta sa kwarto ko. Nag inat inat ako bago nahiga. Nakakapagod!

"Malalate na si Adam." sabi ni Tita tumingin sya sa wall clock na nasa kusina. Nasa hapagkainan na kaming lahat habang si Adam wala pa.

"Don't tell me that he isn't going to take the tests." sabi ni Tito Arnold. Ibinaba nya sa lamesa iyong newspaper na binabasa nya.

"Huwag kang mag alala, Pare. Hindi ka bibiguin ng anak mo." sabi ni Papa kay Tito. Tumango ako kahit na kinakabahan na baka nga hindi sya mag exam ngayon ang sabi pa naman nya kagabi ayaw nyang mag aral ng college.

15 minutes na kaming naghihintay kay Adam pero hindi parin sya bumababa. Tatayo na sana ako ng makita namin syang pumasok na dito sa dinning.

"Oh bakit?" tanong ni Adam saamin ng mapansin nyang nakatingin kami sakanya.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon