Kabanata 6

245 11 6
                                    

Nakatingin ako kay Adam habang nagpriprint sya ng kung ano sa laptop nya. Dinala nya pa dito sa kwarto ko iyong printer at laptop nya.

"Do you have tape?" tanong ni Adam saakin. Kaagad akong tumayo at kinuha ang bag ko.

Kinalkal ko sa bag ko ang tape. Inabot ko sakanya ang tape at saka nya tinape-an iyong pinrint nyang papel.

"You will adhere strictly this schedule." sabi ni Adam at ipinakita saakin ang ginawa nyang schedule from Sunday to saturday.

Yan ba yung ayaw akong turuan? Mukha ngang pinaghandaan nya pa tong pagtuturo nya saakin dahil nag effort pa syang magdala ng laptop at printer dito. Dinala nya rin yung mga notebook nya para lang maturuan ako. Bigla akong nakaramdam ng stress sa ginawa nya. Napaka organize naman kasi. Dapat sa ganito, ganito ang gagawin mo dapat ganyan. Hindi ko yata kakayanin ang way ng pag aaral ni Adam.

"Now, let's go over the math formulas." sabi ni Adam saakin at saka nya ulit binuklat ang libro ko sa math. Bigla akong nanlumo sa sinabi nya akala ko kasi ititigil na naman to at matutulog na. Hindi pa pala!

"12:13 AM na." sabi ko at saka ako dumukmo sa lamesa. Pero kinalampag ni Adam ang lamesa kaya ako napaangat ang ulo. Antok na antok na ko!

"Three...then, in parentheses...x...minus 5, then plus." sabi ko habang sinasagutan ko yung panibagong problem na binigay ni Adam saakin kagabi.

Nasa loob ako ng classroom habang vacant time namin nag aaral ako. Sinusunod ko iyong schedule na ginawa ni Adam kagabi. Kapag mahaba rin ang vacant ko sa library ako pupunta para doon mag aral. Seryoso talaga ako sa gusto kong mangyari kaya nagpapakaabala ako sa pag aaral ngayon. Kahit hindi kapani paniwala para sa mga kaklase ko ang ginagawa ko hinahayaan ko nalang sila. Gusto ko lang may mapatunayan sa lahat na kahit Class E ay pwedeng masama sa Top 100 kagaya ng isa naming kaklase. At kaya kong makakuha ng maatas na grade kahit na palagi kaming nasasabihan ng tamad. Bakit ba kasi ako tamad mag aral noon at ngayon ko lang naisipan na magsipag? Si Adam kasi eh! Palagi akong sinasabihan ng dumb and idiot!

Ganoon ang routine ko araw araw tuwing vacant ko mag aaral ako at sasagutan ang mga pinapasagutan ni Adam saakin. Sa gabi tinuturuan ako ni Adam at binabantayan hanggang sa masagutan ko ang pinapagawa nya. Hanggang sa pagkain namin sa umaga nagrereview ako dahil nalalapit na ang exam namin. Kahit sa paglalakad namin ni Adam sa umaga tuwing papasok kami inirereview nya ako sa mga subjects ko.

Inilapag ni Adam sa harap ko iyong paper na pinrint nya. Nasa kwarto kami ngayon at last day na ng pagtuturo nya saakin dahol bukas finals na namin.

"I made some sample questions. Answer them." sabi nya. Tumango ako at nagsimula ng magsagot.

Unang basa ko palang sa question alam ko na kaagad ang sagot hanggang sa makalimang question ako na nasagutan ko na sa loob lamang ng ilang minuto.

"Whoa. The answer just keep coming to me." sabi ko. Ang saya saya naman nasagutan ko to ng hindi nagtatagal sa isang number. Madali lang pala talaga basta nag aaral ka.

"Tapusin mo muna yan pagkatapos checheck-an ko." sabi ni Adam at saka nya inilapag ang mga pinrint nyang papers. Tumango ako at saka ako nagpatuloy sa pagsasagot.

11 PM na pero gising pa kami ni Adam. Hindi pa ako inaantok for the first time nangyari to.

"When you apply it, this becomes four. See?" sabi ni Adam saakin habang tinuturan ako sa math. Mas nagfocus kami doon dahil sa lahat ng pinasagutan nyang subjects saakin kanina doon ako mababa nung chineck-an nya.

"....And what's four squared?" tanong ni Adam saakin.

"Sixteen." sabi ko. Tumango naman sya. Natutuwa ako tuwing nakakatama ako ng sagot dahil noon hindi ko magets kung paano ba yun sinasagutan.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon