"Isusumbong kita sa Mama mo. Pinaiyak mo na naman yung anak ng kaibigan nya." Biro ko kay Cyrus habang magkasabay kaming naglalakad pauwi sa bahay. Malapit na rin kami sa bahay.Sakto kasing palabas na ako ng gate ng makita ko si Cyrus katatapos lang ng exam nila kanina kaya ito kami ngayon magkasabay na umuwi.
"Napakaiyakin nyang babae. Ang pangit nyang umiyak. Nakakaturn off sya maganda sya pero ayoko sa makulit." Sabi naman ni Cyrus napatingin pa ako sakanya at nagulat sa sinabi nya.
"Wow first time kong marinig na nagandahan ka sa babae." Sabi ko sakanya. Inirapan nya lang ako at nanuna ng pumasok sa loob ng bahay.
Napakamot nalang ako sa ulo at sumunod sakanya pero pagbukas ni Cyrus ng pinto at pumasok kami kaagad kaming napahinto dito sa may pinto ng makitang may bisita pala.
"Cyrus, Seriena hali kayo rito." Sabi ni Tito Arnold ng makita nya kami nakaharap kasi ang sofa na inuupan nya dito sa pinto.
Nandoon sila sa sala at may mga kasama na ngayon lang namin nakita. Lumapit kami ni Cyrus sakanila. Nakatayo kami sa gilid ni Tito Arnold.
May isang may edad na babae ang nakaupo sa mahabang sofa na nasa gitna, katabi naman nito ay isa pang babae na sa tingin ko eh kaedad rin namin ni Adam habang si Adam naman nasa katapat na upuan ni Tito Arnold. Nakaschool uniform pa si Adam. Mukhang nanggaling na sila sa company ni Tito.
"Ito ang bunso kong anak si Cyrus, ito naman si Seriena anak ng bestfriend kong si Mon dito sya saamin nakatira. Ito naman si Hilda isa sa business friend ko." Sabi ni Tito Arnold doon sa may edad na babae at saamin ni Cyrus para ipakilala sa isa't isa.
Para itong donya may mamahaling alahas na nakasuot, nakadress na ang eleganteng tignan, nakaheels at may mamahaling bag.
"Oh dear...kiss nalang sa cheeks. Nakakatanda ang nagmamano." Sabi nito kay Cyrus nung akmang magmamano sya. Nakipagbeso nalang si Cyrus doon at ganon narin ang ginawa ko.
"Sya naman si Chesca anak ni Tita Hilda ninyo. Kasing edad ni Adam." Sabi ni Tito Arnold. Iyong Chesca yung dalaga na katabi ni Tita Hilda sa upuan.
Mukha itong mahiyain dahil panay itong nakayuko at ang ayos ng pagkakaupo nya parang hindi makabasag pinggan.
Maputi ito, singkit at sa tingin ko magkasing height lang kami. Mahaba ang buhok at straight. Nakasuot rin ito ng maganda dress.
"Kumain muna kayo ng miryenda." Sabi ni Tita Cathy at inilapag sa center table ang dala nitong tray na may brownies, chocolate cake at juice. Galing sya sa kusina.
"Cyrus anak, kumuha ka ng tatlong upuan sa kusina." Sabi ni Tita Cathy kay Cyrus na nakatayo sa gilid ko. Sumunod naman ito sa sinabi ng Mama nya. Maya maya may dala na itong upuan yung walang sandalan.
Ngayon nakaupo na rin kami dito sa sala kasama nila. Hindi kasi kami pinaalis ni Tita Cathy at nakisalo sa miryenda.
Katabi ko si Adam sa kaliwa habang si Cyrus naman sa kanan nakaupo kami ni Cyrus at Tita Cathy sa platic na upuan na walang sandalan habang sila Adam, Tito, Tita Hilda at Chesca sa sofa. Nakapalibot kami sa center table.
Nagkukwentuhan ang mga matatanda habang kaming mga teenagers eh tahimik lang na kumakain. Kinakausap naman ako ni Cyrus pagka may gusto syang sabihin. Kami lang tatlo nila Adam ang nag uusap syempre puro pang aasar ang sinasabi nila saakin.
Walang gustong magsalita saamin para makipag usap kay Chesca. Kilala nyo naman ang dalawa kong katabi pagdating sa babae mga walang pakielam.
"Hi...ako nga pala si Seriena. Saan ka nag aaral?" Tanong ko kay Chesca na tahimik lang rin na kumakain. Mukha talaga syang mahiyain dahil palagi syang nakayuko. Nung kinausap ko sya doon lang sya nag angat ng tingin.
BINABASA MO ANG
Who Would have Known (COMPLETED)
Ficção Adolescente"Hi I'm Seriena. Please...read this." nakayukong sabi ko sakanya habang inaabot ang liham na ginawa ko. "No thank's." at nilagpasan nya ako. Naiwan sa ere ang kamay ko at literal na napaawang ang labi ko sa ginawa nya. Kahit na expected ko na ang m...