Kabanata 39

170 8 0
                                    


"Seriena..."

"Seriena..."

"Ha?"

Napatingin ako kay Terrence na katabi ko. Nasa kabilang bakal na swing lang sya rin sya nakaupo. Nandito kami sa maliit na parke dito sa loob ng subdivision namin alas singko na ng hapon. Niyaya ko kasi sya kanina na kumain ng ice cream.

Isang chat ko lang sakanya sa messenger kanina lumabas na sya ng bahay nila at hinintay ako. Kaya ito kami ngayon magkasama.

"Nalulusaw na yung ice cream mo." Sabi ni Terrence sinenyas nya iyong ice cream na hawak ko. Naka cup naman yung ice cream na binili ko pero lusaw na sya.

"Niyaya mo akong lumabas tapos hindi ka naman pala kikibo. Problema mo? Kanina pa lumilipad yung utak mo." Sabi ni Terrence saka sya kumain ng ice cream.

"May iba ng gusto si Adam. Narinig ko mula sa bibig nya." Sabi ko at yumuko. Sinipa ko ang maliit na bato na nasa paanan ko. 

"Sino? Si Angela?"

"Si Chesca..."

Ang sabi ni Tita Cathy saakin kanina lumabas daw sila Adam at Chesca ngayong araw para magdate. Sisimulan na daw kasi ni Adam na ligawan ito.

Wala naman ng nagawa si Tita Cathy dahil ayaw na nyang mag away pa ulit sila ni Adam at isa pa nakikita daw nya kasing nahihirapan si Adam sa training na ginagawa nito kaya wala syang nagawa kundi ang pag bigyan si Adam pero lagi nyang sinasabi saakin na huwag daw akong mapanghinaan ng loob, huwag daw akong mag aalala gagawa daw sya ng paraan. Hindi ko nalang tinanggap yung sinasabi ni Tita dahil ayoko ng madagdagan yung hopes ko.

"Chesca Marie ba?" Tanong ni Terrence kaya napaangat ang tingin ko sakanya.

"Kilala mo sya?"

"Oo kaklase ko nung high school. Mabait at mahiyain yun kaya madalas nabubully sa school pero mayaman yun. Sobrang yaman." Sabi ni Terrence. Laglag ang balikat ko sa sinabi nya.

Talagang sikat talaga si Chesca at ang pamilya nito. Maraming nakakakilala kay Chesca.

Naglalakad kami ni Terrence pabalik ng makasalubong namin si Adam na kalalabas lang ng bahay.

Seryos na naman ang mukha at magkadikit na naman ang kilay nya. Mukhang badtrip sya ngayon. Nilagpasan nya kami as usual.

"Pumasok kana." Sabi ni Terrence ng makalapit kami sa tapat ng gate namin.

"Thank you ulit ha."

Napaka one call away lang ni Terrence na kahit alam kong may sarili syang ginagawa sa bahay nila nagagawa nyang samahan ako ng walang alinlangan.

"Cheer up! Maraming lalaki sa mundo. Ang ganda mo masyado kang malungkot." Sabi ni Terrence at kinurot na naman ang pisngi ko. Bahagya akong natawa sa sinabi nya.

"Baliw! Sige na papasok na ako." Tumango lang si Terrence kaya dumiretso na ako sa pagpasok sa gate.

Pagpasok ko sa bahay dumiretso ako sa kusina at nadatnan si Tita Cathy doon. Mukhang magsisimula palang sya sa pagluluto kaya tutulong na ako. Hindi na ako nagtanong tungkol kay Adam kung bakit ito mukhang badtrip.

"Paborito ng Tito Arnold mo ang chopsuey kaya iyon ang iluluto natin ngayon." Sabi ni Tita Cathy saakin habang hinuhugasan ang mga gulay.

Naglabas naman ako ng chopping board at kutsilyo. Tinuruan naman ako ni Tita kung paano hihiwain ang mga gulay kaya ito ang ginagawa ko naghihiwa dahil si Tita Cathy na ang nagbalat. Daig ko pa ata ang pagong sa bagal kong maghiwa.

"Balak kong bumisita ulit sa training ni Adam bukas. Gusto mo bang sumama?" Tanong ni Tita Cathy saakin habang may kinukuha na kung ano sa ref habang ako abala sa paghihiwa.

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon