Kabanata 8

197 9 9
                                    

Naglalakad kami ni Kiko sa corridor ng makasalubong namin si Adam kasama yung dalawa nyang kaklase.

"Hoy Adam." sabi ni Kiko ng malagpasan namin ang isa't isa. Lumingon kami at tinignan si Adam. Huminto rin sya at bored na humarap saamin.

"Huwag na huwag kang papayag sa gustong mangyari ng Mama mong ikasal kayo." sabi ni Kiko napatingin ako sakanya. Saan nya nalaman yon?

"Huh? Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Basta...at saka kampante naman ako dahil hindi naman mangyayari yon." sabi ni Kiko. Tumawa pa sya sa sariling sinabi. Iniinis nya na naman si Adam.

"You can't predict how a person will feel. Even if you hate someone today, you might love them tomorrow." sabi ni Adam. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "But remember, she's more interested in me than in you."

Tumingin sya saakin sandali bago sya tumalikod at umalis. Naiwan kami ni Kiko na parehong nakanganga.

What was that? What did he mean? Maybe this means...it's okay to get my hopes up a little? Sinampal ko ang sarili ko ayan ka na naman Seriena. Umayos ka!

"Tapos na ang first sem!" sabi ni Hennesy habang naglalakad kami pababa ng hagdanan.

"Two weeks vacation na!" sabi naman ni Jilliana.

Tama sila. Tapos na ang first sem at may bakasyon kami simula bukas. January kasi nagsisimula ang klase namin every 5 months may vacation kami ng two weeks.

Buti pa sila kahit na bakasyon namin ng two weeks masaya sila eh ako hindi! Kahit na may bakasyon kami hindi pa rin ako natutuwa!

Pag uwi ko sa bahay nadatnan kong naghahain na si Tita Cathy sa hapagkainan. Gabi na akong nakauwi dahil nagpasama pa si Hennesy na bumili ng damit sa mall.

"Magandang gabi po." sabi ko sakanila. Tumingin si Tita saakin at lumapit. Hinawakan nya ako sa braso at inakay papunta sa lamesa.

"Halika na kumain na tayo. Tikman mo ang niluto kong tuna pasta." sabi ni Tita. Nakangiti akong tumango. Umupo ako sa pwesto ko at kumuha ng tuna pasta na ginawa ni Tita.

"Ang sarap! Buti pa kayo marunong magluto." sabi ko. Napanguso ako. Dapat talaga sa isang asawa marunong magluto parang si Tita Cathy. Kaya palaging umuuwi ng maaga sa gabi si Tito Arnold ay dahil masarap magluto si Tita o kaya naman nagpapadala si Tito ng pagkain kapag hindi ito nakakauwi ng maaga.

"Matututo karin, Seriena." sabi ni Tita. Tumango tango ako. Sana nga...

Pagkatapos namin kumain nagprisinta akong ako na ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Nakakahiya kasi gabi na akong nakauwi hindi ko na natulungan kanina si Tita Cathy.

Pagkatapos kong maghugas umakyat na ako sa itaas. Habang umaakyat ako nakasalubong ko si Adam na pababa naman ng hagdanan. Huminga ako ng malalim at saka ko sya nilagpasan. Wala ako sa mood maging manhid at tanga ngayon. Dahil sa nangyari kagabi sumama ang loob ko sa ginawa ni Adam. Napahiya ako sa harap ni Papa at nalaman nya pa ang ginawa ko. Kinausap ako ni Papa kagabi tungkol doon pinangaralan nya pa ako.

Pagpasok ko sa kwarto nahiga kaagad ako sa kama. Pagod na pagod ako ngayong araw kahit na wala naman kaming masyadong ginawa maghapon sa school. Dahil nga nakapagfinals na kami halos wala na kaming ginagawa sa klase nag announce lang sila kanina.

"Aalis ka, Seriena?" tanong ni Tita Cathy saakin pagdating ko sa hapagkainan. Kumakain na sila ng almusal.

"Ah...eh. Opo..." sabi ko.

"Saan ka pupunta?" napakamot ako sa ulo dahil sa tanong ni Tita saakin.

"Sa school po."

"Diba bakasyon nyo?" tanong naman ni Papa. Grabe umagang umaga pinagpapawisan ako ah!

Who Would have Known (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon