Chapter 2: First impression last

4.5K 264 40
                                    

"I still remember the first day I met you."

*****************************                 

Kate's POV

Ilang sandali pa ang lumipas ay ini-announce na sa amin ang mga nanalo sa board games.

Ako ang nasa first place habang si Mike naman ang second at ang nakakuha ng third place ay isang lalake na galing sa ibang university.

Matapos ng larong 'yon, um-exit  agad ako. Naghiwalay na muna kami ni Tricia kasi balak pang maglakwatsa. Maglilibot lang daw muna siya at manonood na rin ng iba pang games. Gustuhin ko mang samahan siya pero hindi ko na magagawa kasi tinatalo na ng antok ang buo kong sistema.

Malalaki ang mga hakbang na tinahak ko ang labas ng gymnasium para maghanap ng pwedeng mapagpahingahan.

Panay na ang paghikab ko habang patuloy na naglalakad para maghanap ng building na hindi masyadong nasisinagan ng araw ang roof top. Gusto na talagang pumikit ng mga mata ko. Hindi naman ako pwedeng mag stay sa sasakyan ng school namin dahil expected nandoon ang mga kasamahan kong mga studyante na maiingay kaya alam kong hindi rin ako makakapag pahinga sa loob. Kaya heto ako ngayon naghahanap kung saan pwedeng makapagpahinga kahit saglit na oras lang.

Napapahikab na ako at napapapikit ng mata habang naglalakad. Ang lakas narin ng pag-palpitate ng puso ko. Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hangin dahil sa sobrang pagod at antok. Gusto ko na talagang makatulog kaya naman mas binilisan ko ang paglalakad na halos naging pagtakbo na.

Paliko na ako sa isang pasilyo nang mabangga ako sa isang matigas na bagay.

"Whoa!" Pakiramdam ko ay mabibingi ako dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ko. Muntik na rin akong matumba, mabuti nalang at naalalayan ko pa ang mga paa ko at napaatras ng maayos.

"Tumingin ka nga ng maayos sa nilalakaran mo. Hindi 'yong para kang lasing na pasuray-suray sa paglalakad!" Ma-awtoridad na sabi nito.

Hindi pala isang bagay ang nabangga ko kundi isang tao.

Nauntog ako sa malapad na dibdib ng isang maangas na lalake. "Pasensiya na," sabi ko sa mahinang boses saka walang sabi-sabi na agad  siyang nilagpasan.

"Hey!" tawag nito sa matigas na boses.

Pero hindi ko na siya pinansin at dali-dali na akong humakbang palayo. Wala na akong panahon para pansinin pa ang mga  kadramahan sa buhay niya. I need to attend to my personal need first.  

"Sandali!" 

Marahas niya akong hinila palapit sa kanya. Hindi ko alam na sinundan pala niya ako.

"What?" Gusto ko ng marindi sa kaartihan ng lalakeng ito. Alam ko may kasalanan ako sa kanya pero hindi naman siguro ganoon kabigat 'yon.

Abala ang utak ko sa pag-iisip kung saan ako pwedeng matulog kaya hindi na ako nag-abalang tingnan siya sa mukha.

"Wala ka man lang bang balak na tingnan ako sa mukha at humingi ng sorry na maayos?!"

Ano ba ang problema ng lalakeng ito at parang galit? At bakit kailangan kong tingnan ang mukha niya? May unusual ba roon?

Napabuntong-hininga ako saka iniangat ang ulo para matingnan siya sa mukha. Whoa! Kaya ba gustong-gusto niyang tingnan ko ang mukha niya para maipagmayabang niya sa akin ang kagwapuhan niyang taglay?

"Hindi ka ba hihingi ng sorry?!" pagmamatigas niya.

Hindi ako sumagot. Paano ako makakasagot, e, nasa malayo na ang isip ko. Hilong-hilo na ako sa sobrang antok. Pakiramdam ko ay nakalutang na sa hangin ang utak ko at gusto ko ng masuka.

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon