Kate's POV
"You're late." Bungad ni Tricia nang makapasok na ako sa kwarto. "At sino 'yong naghatid sa'yo?"
Napabuntong-hininga lang ako. "I will tell you everything - " Saka napakunot ang noo ko nang mapansing abala siya sa pag-iimpake ng ilang piraso niyang damit. – next time." Napaupo ako sa gilid ng kama. "Saan ba ang punta mo at parang napaka-busy mo 'ata?"
Saglit siyang napatigil sa ginagawa saka napangiti. "I've got a job."
Nakakunot lang noo ko. "Ano na namang klaseng trabaho kaya 'yan?"
"I do babysitting." Siya. "Don't worry, I'll explain everything next time." Patuloy niya saka tuluyan nang tumayo bitbit ang backpack. Napalingon siya ulit. "So, ibig sabihin lang nito na marami tayong dapat na pag-uusapan na dalawa. See yah."
Napatango lang ako saka sinundan nalang ng tingin ang pag-alis niya. Nag-ayos narin ako ng katawan at natulog na.
----------
"Alis na ako ante." Katatapos ko lang mag almusal nun. Pipihitin ko na ang doorknob nang may marinig kaming busina ng sasakyan sa labas ng bahay.
Nakiusyuso na rin si ante. Nang buksan ko ang pinto ay nakisilip na rin siya.
At napakunot ang noo ko nang mapagsino ang nasa labas at ang may-ari ng sasakyan.
Agad ko itong nilapitan.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko agad nang makalapit ako sa kanya.
"Sinusundo ka para ihatid." Nakangiting sagot niya.
"Kaya ko ang sarili ko, hindi mo na kailangang gawin 'to."
"Paano magiging convincing ang relasyon natin kung hindi natin 'to gagawin." Mahinang sabi niya na hindi maalis alis ang ngiti sa mga labi ngayong papalapit si ante.
"Good morning ma'am, Aisel Montenegro po." Magalang niyang sabi saka inilahad ang kamay kay ante. Wow ha, may pagka gentleman din pala ang lalakeng 'to akala ko puro lang kayabangan ang nasa isip nito.
At gulat ko lang din at tinanggap 'yon ni ante.
"At nandito ka dahil---?" tanong ni ante sa kanya.
"Susunduin ko po si Kate para ihatid sa school." Mabilis na sagot ni Aisel.
"At ginagawa mo 'to dahil-----?" kunot noong tanong ni ante.
"Boyfriend po ako ni Kate ma'am." Walang pagdadalawang isip na sagot ni Aisel.
Muntik na akong matapilok sa kinatatayuan ko nang sabihin niyang boyfriend ko siya. Ang mokong na 'to, hindi man lang ako na briefing na sasabihin niya 'yon sa ante ko. Ano nalang ang gagawin ko, napaka-overprotective pa naman ng ante ko na 'to.
At wala na akong idea sa kung ano ang mangyayari ngayong sinabi na niya sa harap ng ante ko na may relasyon kami. Patay na talaga. Pakiramdam ko mauubusan na ako ng hangin sa katawan. Na-suffocate ako saglit 'dun sa revelation niya.
"Okay---" parang hindi makapaniwalang reaksiyon ni ante saka tumingin sa akin.
"Pasensiya na ante, hindi ko agad nasabi sa inyo." Kagat-labing sabi ko.
Alam kong tiyak na kakausapin niya ako mamaya pag nakauwi ako galing eskwela. Tiyak na maraming tanong.
"Sige na umalis na kayo, baka ma late pa 'tong pamangkin ko." Yon lang ang sabi ni ante saka bumalik na sa loob ng bahay. Pero alam ko maraming nagliliparang tanong sa utak niya. Siya pa, tingin palang niya, galaw palang ng mga mata alam ko na na may nagtatagong kahulugan.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Teen Fiction"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...