"If someone shows you their true colors, don't try to repaint them." Anonymous.
****************************
Kate's POV
"Anong ginagawa mo dito?"
Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay mabilis siyang lumapit sa akin.
"Ano ang nangyari sa'yo? Okay ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong niya. "Ba't namumula 'to?" dagdag pa niya nang makita ang hawak-hawak kong braso.
"Napaso dahil sa singaw nung tsokolate na niluluto ko."
"O sige, pumasok ka na sa kotse, ibibili kita ng gamot para diyan, may nadaanan akong maliit na convenience store diyan sa may labasan," aniya saka mabilis na pumasok sa driver's seat. "Ano, pasok na," dagdag pa niya nang makitang hindi ako natitinag sa kinatatayuan ko.
Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob. Napaka-bossy naman ng isang 'to.
"Ba't ba napasugod ka?" ulit na tanong ko.
"Narinig kong napasigaw ka tapos 'di mo na sinasagot ang tawag ko kaya dumiretso na ako dito. Nag-aalala ako kung napano ka na," sunod-sunod na sagot nito na hindi man lang tumitingin sa akin. Concentrated siya masyado sa pagmamaneho niya. Buti nalang at wala kaming kasalubong na sasakyan, takot ko lang kung mabangga kami dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.
Mabilis na bumaba si Mike at nagdere-deretso sa loob. Nagdalawang-isip naman ako kung susunod ako o hindi. Nanatili lang ako sa loob ng sasakyan. Mayamaya lang ay nakabalik na rin si Mike.
May bitbit itong maliit na supot. Nang makapasok na sa sasakyan ay agad niyang kinuha ang kamay ko, tinitingnan ang kalagayan nito. Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa niya. Kung paanong maingat niyang nilagyan ng ointment ang namumula kong braso at kung paanong hinihipan niya ito para kahit papaano ay mawala ang hapdi.
"There you go," isang nakangiting Mike ang nag-angat ng ulo at tumingin sa akin. Napamulagat ang mga mata ko nang magtama ang mga paningin namin. Oh, God! He's giving me a chill! bulong ko sa isip ko saka agad akong nagbawi ng tingin. Napansin siguro niya ang pagkailang ko, napaayos agad siya ng upo. Maya-maya pa ay agad na rin naming nilisan ang lugar na yon at bumalik ng bahay.
Nagulat pa ako nang pumasok siya kasunod ko. Akala ko kasi ay ihahatid niya lang ako. Pero naisip ko din, napaka bastos ko naman kung paaalisin ko na siya agad gayong sinamahan pa nga niya ako at binilhan pa ng ointment. The least I can do for him ay ang patuluyin siya sa bahay at dulutan siya nang kung anomang pwede kong mai-offer.
"Mag a-alas cuatro y media narin ng umaga. Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Kasalukuyan niya akong tinutulungan sa pagsasalin ng tsokolate sa dalawang tasa na inilabas ko. Bitbit biya sa dalawang kamay ang dalawang tasa patungong mesa. Sabay na kaming naupo na magkaharap.
"Nagpaalam naman ako kay mama na aalis ako. Na pupuntahan kita rito."
"What?!" Mulagat ang mga matang sabi ko. "Ba't mo 'yon ginawa, baka kung ano pa ang isipin ng mama mo, eh kaaga-aga wala ka sa inyo."
"Mabait ang mama ko, naiintindihan ako 'nun. Isa pa malaki ang tiwala ni mama sa akin na kapag ako ang nagpaalam sa kaniya na may pupuntahan, alam niyang wala akong gagawing kalokohan."
Buti pa siya, may mama na nakakasama, nakakausap, napagsasabihan ng kung anu-ano. Samantalang ako, napagkaitan ng ina.
Napapitik ang kaliwa niyang daliri sa harap ko.
"Nakatulala ka na naman diyan. Ano ba ang iniisip mo?"
"Wala naman. Naku, ang mabuti pa ay ubusin mo na 'yang iniinom mo at para makaalis ka na. Ayokong mag-alala ang mama mo sa'yo." pinilit kong pinapasigla ang boses ko.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Novela Juvenil"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...