"That moment when you have to take a deep breath before speaking cause you know you're so close to crying."
****************************
Naabutan kong naghahanda ng hapunan si ante. Saglit lang siyang lumingon sa akin pagdating ko at muli ng ipinagpatuloy ang ginagawa niya.
"Ante?" umpisa ko habang papalapit ako sa kanya.
"O, bakit?" aniyang nagpatuloy lang sa ginagawa niya.
Saka lang siya muling napalingon sa akin nang magsimula na akong humikbi.
"Hey! Ano bang nangyayari sa'yo bata ka." Iniangat niya ang mukha ko. "May problema ka ba?
Hindi muna ako sumagot. Pinilit ko munang pakalmahin ang sarili ko.
"Don't tell me hiwalay na kayo ng boyfriend mo kaya umiiyak ka ng ganyan? O, baka--," saka napamulagat mga mata niya. --baka buntis ka at hindi papanagutan ng boyfriend mo at gusto mong ipalaglag. Naku, naku, 'yan ang huwag mong gagawin," sunud-sunod na sabi ng ante niya.
"Ante naman, hindi po ganun. Hindi po kami naghiwalay ng boyfriend ko." Ew, that's weird, parang hindi man lang nasasamid ang dila ko na sambitlain ang salitang boyfriend. Anyway, moving on. "Hindi rin po ako buntis, ano ba kayo ante. Hindi ko po 'yon gagawin."
"Oh, bakit nga umiiyak ka?"
"It's about my mom."
Napalitan ng pagkadismaya ang lahat ng ekspresyon sa mukha niya nang marinig 'yon.
"Ano ang tungkol sa mama mo?" matamlay na tanong niya saka kunwari'y ay ipinagpatuloy ang ginagawa sa lababo. Hangga't maaari ay umiiwas siya na mapag-usapan ang mama ko. Ayaw niyang nasasaktan ako.
"Noon bang ipinagbu-buntis ako ni mama, nag plano ba siya na ipalaglag ako?" 'yon na lumabas na sa bibig ko ang gusto kong itanong.
Ramdam kong nabigla siya sa tanong ko. Hindi siya agad nakasagot.
"Bakit mo nasabi ang mga bagay na 'yan?" balik tanong niya na hindi man lang tumitingin sa akin.
"I do not know, I just feel it. Bigla ay parang naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Parang nauulinigan ko sa isip ko na may minsang nangyari sa buhay ni mama na ginusto niyang mawala ako sa buhay niya. Na ayaw niyang makita akong lumabas sa mundong ito. I still have this pain in my chest of being unwanted."
Sa mga sinabi kong 'yon tila naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko kaya naman hinila ko ang isang upuan sa ilalim ng mesa at naupo.
Maya-maya pa ay humarap sa akin si ante. Malungkot ang mukha.
"Alam kong darating ang araw na ito na itatanong mo ang bagay na 'yan."
Umupo siya sa harap ko saka ginagap ang mga kamay ko. "Napaka-swerte ng mama mo at nagkaroon siya ng anak na kasing talino mo. Malas lang niya at hindi na niya nagawang makita 'yon nang magdesisyon siyang iwan ka sa akin."
Muli napapikit si ante. Ramdam kong nahihirapan siyang sabihin sa akin ang kung anoman ang kailangan niyang sabihin. 'Yan ang ante ko, laging inuuna kung ano ang iisipin at mararamdaman ko. Minsan tuloy ay hindi ko maiwasang hilingin na sana siya nalang talaga ang naging nanay ko.
"Panahon na rin siguro para malaman mo ang iba pang bagay tungkol sa pagkatao mo. Isa pa, malaki ka na at responsable pa. I know you can handle things on your own."
Napapatango lang ako.
Muli ay napabuntong hininga ang ante niya bago nagsalita ulit.
Ante Mayet's POV
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Teenfikce"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...