Chapter 35: Realization

1.1K 54 2
                                    

"Everybody  has an addiction, mine just happens to be you." Thelovebits

****************************

KATE's POV

Nanatiling nakatitig ang mga mata ko sa kisame ng kotse. Biglang nablangko ang aking isipan dahil sa bilis ng mga pangyayari. Hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig hilig ng lalakeng ito na mangnakaw ng halik.

Hindi ko maigalaw ang aking mga kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Aisel dito kaya ipinasiya kong ibuka ang aking bibig para sana ipahayag ang aking pagtutol. Ngunit saka ko lang napagtanto na isang napakaling hakbang ang aking ginawa dahil sa sandaling ibinuka ko ang aking bibig ay nagsimulang gumalaw ang mga labi ni Aisel. He started kissing me deeply. Is he enjoying the moment? No, of course he can't!

Nagsimula akong magpumiglas sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko ngunit bago paman ako tuluyang nabitawan ni Aisel ay parehong napasubsob ang mga mukha namin sa likod ng upuan ng driver's seat at passenger seat dahil sa lakas ng pagprenong ginawa ni Mike.

"What the heck, Mike!" hindi maitago ang inis na sabi ni Aisel.

"We're here!" nasa tono rin ng boses ni Mike ang pagkainis.

Napaayos ako ng upo saka isang matalim na tingin ang ipinukol ko kay Aisel. Mabilis na dumapo ang kanang kamay ko sa pisngi niya.

"Sumusobra ka na Aisel! Hindi ko na nagugustuhan ang mga ginagawa mo sa akin. I feel so humiliated!" hindi ko mapigilan ang pagbangon ng inis sa pagkatao ko. Hindi ko na hinintay ang pagsagot niya. Sapat na sa akin ang makita siyang nabigla dahil sa ginawa ko.

"Salamat sa paghatid Mike," baling ko naman kay Mike saka mabilis na lumabas ng kotse. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makarating sa unang klase ko.

Nakarating ako sa loob na kukunti pa ang mga estudyante. Agad akong naupo sa isang bakanteng upuan habang pilit na pinapakalma ang sarili.

Sunod-sunod na iling ang ginawa ko nang maalala ko ang nangyari kanina. Saka wala sa loob na napahawak ako sa aking mga labi. Ramdam ko pa rin hanggang sa mga sandaling iyon ang mga labi ni Aisel na nakalapat sa mga labi ko.

What the heck! I feel so insulted back there! Wala sa loob na nakuyom ko ang aking kamao.

"You---,"

"What?!" galit na baling ko sa nagsalita.

"You forgot this," nag-aaalangang sabi ni Mike.

Haissst! Kainis naman oh.

"Pasensiya na, ikaw pa tuloy ang napagbuntunan ko ng galit," nahihiyang napayuko ako sa harapan niya.

"I understand what you feel. Kaya wala kang dapat na ipaliwanag sa nangyari. Ako na rin ang humihingi ng sorry dahil sa ginawa ni Aisel kanina. Hayaan mo at kakausapin ko siya tungkol dito," seryosong anas ni Mike.

Sunod-sunod akong napailing. "No, hindi mo naman kailangang kausapin ang lalakeng 'yon. Inaamin ko namang may kasalanan din ako sa nangyari. Masyado akong kumpiyansa. Don't worry, I can manage. Just give me time to think thouroughly about it," paliwanag ko.

Hindi na niya nagawang sagutin ang sinabi ko bagkus ay napangiti nalang siya.

"If that's what you're saying. Oh, eto naiwan mo sa loob ng sasakyan."

Nabaling ang tingin ko sa hawak niyang paper bag. Oo nga pala, pagkain 'yon para kay Tricia.

"Salamat dito at pasensiya rin sa abala," sabi ko sabay abot sa paper bag.

"So, I'll go now."

Napatango lang ako.

"Okay, bye. Salamat ulit."

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon