"Sometimes your heart needs more time to accept what your mind already knows."
_______________________________
Kate's POV
Para akong nanigas sa kinauupuan ko matapos marinig ang mga pahayag ng ante ko. Hindi ko lubos na maisip na ganun pala ang nangyari noon. Maging ang pag-agos ng luha sa aking pisngi ay hindi ko mapigilan. Parang hindi kayang tanggapin ng aking puso at isip ang katotohanang hindi ako gusto ng mama ko na mabuhay. Napahagulhol ako nang yakapin ako ni ante Mayet. Siya man ay hindi rin napigil ang pag-iyak.
"Basta ang lagi mo lang tatandaan na kahit na anong mangyari nandito lang ako. Hindi naman kita pababayaan. I may not your mother by birth but I can always be your mother by choice," ani ante habang pinapahid ng palad niya ang mga luha ko sa pisngi.
Pero imbes na tumahan ay mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya.
"Kahit kailan naman ay ikaw na talaga ang itinuring ko na mama ko ante. Kahit ni minsan ay hindi niyo ipinaramdam sa akin na iba ako sa inyo kaya ipinagpapasalamat ko na 'yon ng malaki."
"Hush! Kaya tama na 'yang pag-iyak na 'yan. Life must go on. Just do what you think is right. 'Yon lang naman talaga ang gusto ko na gawin mo. Alam kong responsable kang bata kaya malaki ang tiwala ko sa'yo. Naniniwala ako na darating ang araw na maisip din ng mama mo na hindi ka niya dapat basta nalang iniwan. Malaking kawalan sa isang magulang ang magkaroon ng anak na kasing bait, kasing talino at kasing ganda mo," saka binuntunan ni ante ng konting tawa ang mga sinabi niya kaya pati ako ay napatawa na rin.
"Tama po kayo ante, isa pa, I have you, ano pa ba ang mahihiling ko."
Mabilis kong pinahid ang luha sa mga mata ko saka pilit na ngumiti. Tama si ante, I need to move forward. Mas mahalaga kung ano ang hinaharap kaysa sa nakaraan.
"That's my girl."
Maghahating-gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kahit ipikit ko ang mga mata ko ay palagi ko pa ring naiisip ang mga sinabi sa akin ni ante Mayet. Maya't maya ay napapaluha ako. Gusto kong pigilan ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko pero hindi ko mapigilan ang mga mata ko sa kakaiyak. Para silang may sariling isip na ginagawa kung ano man ang naisin nila, Nakakainis lang.
Napabangon ako at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Gusto kong libangin ang sarili ko pero hindi ko naman alam kung papaano.
Bumalik ako sa itaas at kinuha ang cellphone ko. Bigla kong naisip ang lumabas ng bahay. Hindi rin naman ganoon ka dilikado rito sa lugar namin kaya okay lang ang lumabas. Isa pa marami namang bukas na convenient store 24 hours.
Bigla ay gusto kong kumain ng Korean spicy noodles. I do not know, I just love eating noodles, lalo na kapag mainit pa talaga ang sabaw. Sumakay ako ng tricycle palabas ng subdivision.
"Pasado alas-dose pa ah, ba't nasa daan ka na?" tanong ni manong driver.
"Bigla lang kumalam ang sikmura ko manong. Gusto ko lang kumain ng mainit na noddles at para makapaglibot na rin. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakalabas tuwing gabi," ang tanging sagot ko.
Napapatango lang si manong.
"Hindi ko nababanggit pero minsan lumalabas din ako tuwing gabi lalo na kapag may iniisip ako o di kaya kapag gusto kong makapag-isip ng mabuti. Nasanay na ako, hindi naman kasi delikado sa lugar namin. Marami rin naman ang lumalabas tuwing gabi kaya panatag ang loob ko.
Sa isang convenience store ako ibinaba ni manong driver.
Kakaunti lang ang costumer sa loob. 'Yong cashier naman, medyo inaantok na, panay ang paghikab nito. Kumuha lang ako ng isang spicy noodles, bottled water at pumunta na sa cashier. Ngumiti pa ang cashier sa akin nang kunin ang bayad ko.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Ficção Adolescente"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...