"I was the one who loved you even when you gave me thousands of reasons not to."
******************************
KATE'S POV
It's been a week since that inter-collegiate event.
So far tahimik na ulit ang napaka boring kong buhay.
Pauwi na ako sa hapong iyon at kasalukuyan ng naglalakad palabas ng gate ng university nang makatanggap ako ng isang text message.
Hi Kate! It's Mike. Pwede ba tayong lumabas after your class?
Napakunot ang noo ko. At saan niya nakuha ang number ko?
Ilang sandali lang ay tumunog na ang cellphone ko. Napakunot lang ang noo ko saka hindi sinagot ang tawag.
Ngunit tumawag ulit ito. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago ko ipinasyang sagutin ang tawag.
"Oh, ano?!" Inis kong tanong.
"Grabe naman 'to. Galit agad. Hindi ba pwedeng, 'Yes, Mike, napatawag ka," aniyang nagboses babae pa.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa boses niya o huwag nalang pansinin.
"Napatawag ka?" tanong ko naman na pilit na pinapakalma ang boses.
"Yayayain nga kitang lumabas di'ba?" si Mike.
"Busy ako, marami akong gagawin ngayon at isa pa pauwi na ako. Hindi mo naman siguro ako pupuntahan sa bahay namin di'ba?"
"No need--------" si Mike pero naputol na rin ito sa kabilang linya.
"---dahil nandito na ako para sunduin ka."
Naiwang napaawang ang bibig ko nang makita ko siyang papalapit sa akin. Kaya wala ma akong ibang nagawa kundi ang ibaba ang hawak kong cellphone.
"Tsss!" Napatingin ako sa paligid ko. Ang daming nakatingin sa amin. Kung hindi ko tanggapin ang invitation niya at napahiya siya, ako ang magmumukhang masama. And of course ayoko nun. I hate drama.
"Ang galing mo din nuh, alam mong hindi ako makakatanggi kung ganyan na susunduin mo na agad ako after your proposal na wala akong choice kundi ang um-oo," mahina kong sabi making it sure na kami lang ang makakarinig.
Ngumisi lang ang bruho.
Agad niyang kinuha ang mga dala-dala ko saka binuksan ang passenger seat. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok doon.
Dinala niya ako sa isang mall. Kumain lang kami saka naglakad-lakad. At siya rin ang laging nag o- open ng topic na pwede naming pag-usapan. At doon ko rin nalaman na si Tricia pala ang nagbigay sa kanya ng number ko. Ang babaeng 'yon talaga kahit kailan nakikialam sa personal kong buhay!
"Paano ka pala nahilig maglaro ng chess?" biglaang tanong niya.
Kumakain kami ng ice cream noon habang naglalakad at patingin-tingin ng mga stuff toys.
Napatigil ako sa pagsubo at tumingin sa kanya.
"I don't know. Basta bigla nalang ay nagustuhan ko ang maglaro. The moment I laid my eyes on the game, parang may energy na gustong kumawala sa katawan ko at gustong-gusto ko siyang laruin. At kailan man ay hindi pa ako natatalo sa larong 'to, and I don't even know why. Gustong gusto kong nananalo. I felt that strange fulfillment kapag nananalo ako," paliwanag ko.
"I see. Kaya naman pala kahit anong gawin ko ay hindi talaga kita nagawang talunin," nakangiting sabi niya. "Pero paano kung matalo kita kahit isang game lang, ano kaya ang mararamdaman mo?"
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Teen Fiction"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...