Chapter 23: A Woman's Point of View

1.5K 94 4
                                    

Kate's POV

Hindi talaga kaya ng mga mata ko lalo na ng pakiramdam ko kapag pinagtitinginan ako habang naglalakad. Kahit anong gawin kong kumbinsi sa sarili ko na natural lang na ginagawa 'yon ng mga estudyanteng hindi sanay na nakikita kang may kasamang lalake, lalo pa at ang mga kasama mo ay may exceptional na kagwapuhan. 

Phew! Well, yes. Inaamin ko naman 'yon sa sarili ko na mga gwapo itong mga kasama ko kaya nga mas lalo akong hindi napapakali. Hindi naman ako unsociable na tao, hindi ko lang talaga gusto na pinag-uusapan ng iba ang pagkatao ko. I don't know, I just hate it. Nakakapangliit sa pakiramdam. Everyone knows that I am tough outside, what they don't know is that I keep that aura to save myself from any uncomfortable feeling that I know and aware that I am having.

Nakikita ko mula sa anggulo ng gilid ng mga mata ko na panay ang pa cute ng mga estudyanteng babae dito sa dalawa kong kasama sa bawat pasilyo na nadadaanan namin. Siguro nagtataka 'yong iba kung bakit may kasama akong lalake. May mga ilan kasi akong mga schoolmates na nagtangkang manligaw sa akin pero hindi paman nakakapag-umpisa sa panliligaw ay bina-busted ko na agad. Ayokong magbigay ng pag-asa sa sinomang nagtatangkang manligaw sa akin dahil aksaya lang 'yon sa oras nila at sa oras ko. Isa pa wala sa bokabularyo ko ang magpaasa ng tao sa anomang aspeto.

"Ang alam ko ay boyfriend niya ang isa sa mga 'yan," narinig kong sabi ng isa sa mga estudyanteng kaumpukan ang mga kaibigan sa isang dako ng pasilyo. Kung hindi ako nagkakamali ay HRM student 'yon at nasa second year.

"Ganun? Ang swerte naman niya, ang gwa-gwapo kaya ng mga kasama niya. Kahit sino sa dalawang 'yan ang mapapasa 'yo ay daig mo pa ang nanalo sa lotto nun," Narinig kong sagot naman nung isa.

Anong parang nanalo sa lotto? Bakit, kailan pa naging pa-premyo ang isang tao?

"Kailan pa nagka-interest sa isang lalake 'yang si Kate? Akala ko ba ay ayaw niya sa mga lalake lalo sa mga lalakeng mahilig magpapalit-palit ng girlfriend," opinyon naman ng isa pang nadaanan namin.

"Pwede namang magbago ang preference ng isang tao di 'ba lalo pa at mayaman ang manliligaw sa 'yo," sagot naman nung isa. "Malay natin baka sinagot niya dahil sa yaman ng lalakeng nanligaw sa kanya. As we all know, di 'ba nga wala ng pamilya si Kate, ante lang niya ang nagpalaki sa kanya." 

"Well, may point ka roon. Kahit ako naman siguro kung liligawan ako ng isang mayamang lalake, hindi na ako magpapakimi pa, sasagutin ko na agad," sagot naman nung kausap nito. 

Parang hindi na kaya ng taenga ko ang mga naririnig ko. Bakit parang may laman ang mga sinasabi ng mga ito? 

Mas binilisan ko ang paghakbang, ni hindi ko na inaalala na maiwanan ang dalawa. Gusto ko ng makarating agad sa opisina, maging ang pagkuyom ng kaliwa kong kamao ay hindi ko na napigilan. Gusto kong pigilan ang inis na nararamdaman ko sa mga sandaling 'yon. Gusto kong pigilan ang sarili ko na sugurin ang dalawang babaeng 'yon na kahit ang personal kong buhay ay pinapakialaman. I really hate this feeling, this feeling that you wanted to show people that you are tough.

Napatingin ako kay Mike nang maramdamn ko ang kamay niya na nakahawak sa kaliwa kong kamay. Maging ang mahinang pagpisil na ginawa niya rito ay naramdaman ko rin. Kahit kailan talaga ay maaalalahanin itong si Mike. I smile lightly telling him that I am thankful.

Maya-maya pa ay naramdaman ko rin ang kamay ni Aisel na nakahawak sa kanan kong kamay. Napatingin ako sa kanya at parang gustong matunaw ng puso ko nang makita ko ang ngiti sa mga labi niya. I can feel the sincerity in his smile. I don't know why, maybe because of the tight atmosphere that I am having right now kaya kung anu-ano nalang ang naiisip ko. Is he trying to comfort me with that smile? If he is, then, it's just rightful to answer his sweet smile so I smile back at him.

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon