The best things happen unexpectedly."
****************************
AISEL'S POV
Nawalan ako ng sasabihin nang basta nalang hilahin ng lalakeng bokalista si Kate. Hindi man lang ako nakapalag. Ang sarap niyang sugurin lalo pa at hawak-hawak pa niya ang braso ni Kate habang iginigiya paakyat ng stage.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila sa itaas habang pumapailanlang ang malamyos na tugtugin.
Matapos ang ilang sandaling pag-uusap ay agad na sinenyasan ng bokalista ang mga kasama nito sa kung ano ang tutugtugin nila.
Nahagip pa ng mga mata ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni Kate habang nakahawak sa stand ng microphone.
Saglit itong napapikit na tila ba nagko-concentrate.
"Tricia, tama ba 'yang ginagawa mo? Baka mapahiya lang si Kate sa ginagawa niya?" Nag-aalalang tanong ni Mike. "Hindi ko pa narinig na kumanta 'yang si Kate. Minsan ay niyaya ko siya pero tumanggi lang siya dahil hindi raw siya sanay."
"Hindi ko rin naman ipapahiya ang pinsan kong 'yan nuh. Maghintay ka lang Mike at makikita mo ang sinasabi ko," puno ng kumpiyansang sabi ni Tricia.
"At talagang siguradong sigurado ka na ---," hindi ko na natuloy ang iba ko pang sasabihin nang magsimula ng bumuka ang bibig ni Kate para kumanta.
Naiwang nakaawang ang bibig ko sa ere nang marinig ang boses niya. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Maaaring nagkamali lang ako at nagha-halucinate. Pero hindi eh, boses niya talaga ang naririnig ko.
Maging ang mga naroon ay naging seryoso ang mga mukha sa pakikinig. Katulad ko ay hindi rin sila makapaniwala na may magandang boses pala na maipapakita itong si Kate sa pag-awit.
🎵Terrified by Katherine McPhee and Zachary Levi playing
You by the light
Is the greatest find
In the world full wrong
You're the thing that's right
Finally made it
Through the lonely
To the other sideYou said it again
My heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge
Of my emotions
Watching the shadows burning in the dark"Matagal na bang kumakanta si Kate, Tricia?" amazed na amazed na tanong ni Mike na hindi man lang inaalis ang mga mata sa kinaroroonan ni Kate.
"In public, ngayon lang, pero kung kami nila mama ang magkasama sa bahay ay kumakanta 'yang si Kate," taas-noong sagot ni Tricia.
"Buti at napapayag mong kumanta siya ngayon in public? I thought meron siyang stage fright?" tanong ko naman.
"Stage fright? Naku, wala siya no'n. Mahiyain oo, pero kapag under-pressure ay lumalabas ang kakapalan ng mukha. Ayaw na ayaw niyan kasi na napapahiya sa harap ng maraming tao kaya hangga't maaari ay ilalabas niya ang kung ano ang kaya niya," paliwanag ni Tricia.
Gano'n naman pala. Napataas ang kilay ko dahil sa naisip. So, kung ilalagay ko sa pressure itong si Kate ay hindi siya makakatanggi? Gusto kong matuwa dahil sa nalaman.
Napapatango nalang ako dahil sa nalaman saka nagpatuloy na sa pakikinig. It's like as if she is born on stage, very natural para sa kanya ang pagkilos na ginagawa, na wari'y ba ay sanay na sanay na siyang humarap sa maraming tao para mag-perform.
She even knows how to control her voice and knows how to harmonize with her partner. Kung pakikinggan mo siyang kumanta ay parang may rehearsal na nangyari prior sa pagsalang niya sa stage. Parang hindi ambush ang nangyayari.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Ficção Adolescente"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...