"Starting today, I need to forget what's gone, appreciate what still remains, and look forward to what's coming next." Anonymous
****************************
KATE's POV
Marahan akong nagdilat ng mga mata at ang agad na bumungad sa akin ay ang amoy gamot at alcohol na paligid. Nangunot ang noo ko nang mapagtantong nakahiga ako sa isang kama habang sa kaliwang bahagi ng kama ay nandoon si ante Mayet, nakaupo sa isang silya habang nakapatong ang ulo sa kama at hawak-hawak ang isa kong kamay. Tatawagin ko sana ang pangalan niya pero hindi ko itinuloy, para kasing napakahimbing ng tulog niya.
Napalinga ako sa paligid para tingnan kung meron pang ibang tao maliban kay ante pero wala na akong ibang nakita. Muli ay ibinalik ko ang paningin ko kay ante Mayet saka napangiti ako. Naalala ko kasi 'yong panaginip ko. Kahit kailan talaga maalaga itong si ante na kahit sa panaginip ko ay nandoon pa rin siya. Gusto ko sanang ipikit ulit ang mga mata ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Bakit ako iidlip ulit eh parang ang haba-haba na ng pagkakatulog ko.
Ilang minuto pa ang nagdaan ay hindi pa rin nagigising si ante. Alas onse y media, 'yon ang nakita kong oras sa nakasabit na pabilog na wall clock sa kanang bahagi ng silid, hindi ko lang tantiya kung umaga ba o gabi. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan ko saka ko lang napansin na may nakakabit palang dextrose sa kanan kong kamay.
Marahan akong gumalaw para sana umupo at sumandal sa headboard ng kama para naman magkaroon ako ng bagong posisyon.
"Kate? Kate. Kate!" agad na nag-ayos ng upo si ante nang makita akong nakatitig sa kaniya.
"Are you okay? Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo?" sunod-sunod na tanong ni ante at ako naman ay sunod-sunod ring napailing.
Napatango ako. "I'm okay!"
"Are you sure?"
"Ante, okay po ang pakiramdam ko though I may forgot some details kung bakit ako nandito but I'm telling you okay na po ako," sinamahan ko ng kahit kaunting ngiti ang sinabi ko para naman huwag mag-alala ang ante ko. OA pa naman 'to masyado pagdating sa aming dalawa ni Tricia.
"Mabuti naman kung ganon. Alam mo bang labis-labis ang pag-alala ko sa'yo. Para na akong mababaliw sa kakaisip kung ano ang pwede kong gawin habang wala kang malay!"
Napatawa ako sa sinabi niya kaya naman napatigil na muna siya sa sasabihin pa sana niya saka nakitawa na rin sa akin.
"Hindi ko kayang e-imagine ang mangyayari sa inyo kapag nabaliw kayo ante, tiyak na karambula ang hospital na paglalagyan niyo." Hindi ko pa rin mapigil ang tawa ko.
"Kawawa naman ang pamangkin ko," pag-iiba niya ng usapan na mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa mga kamay ko. "I know everything, I'm glad na may CCTV camera sa buong campus kaya nae-record ang buong pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may masamang nangyari sa'yo."
"Hindi ko rin inaasahan na 'yon ang mangyayari ante," pinigilan ko ang mapahikbi nang maalala ang mga nangyari. "Mabuti nalang at dumating sina Aisel doon dahil kung hindi, alam kong mapapahamak na talaga ako."
"Speaking of those guys, alam mo bang palagi sila rito. Pagkagaling ng eskwela ay agad na dumederitso rito ang dalawang iyon at dito na natutulog. Hindi ko naman mapagsabihan, knowing them na matitigas ang ulo kagaya mo," saka isang tawa ang kumawala sa bibig ni ante kaya napatawa na rin lang ako. "Labis ang pag-aalala nila sa'yo."
"I owe them big time," sagot ko naman.
Saglit na natahimik si ante saka napatitig ng mariin sa mga mata ko. "All this time, mayroon kang hindi sinasabi sa akin."
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Fiksi Remaja"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...