Chapter 56: Truce!

1K 39 5
                                    

"You can't stop the feelings you have for someone. You can't lie to yourself either. Your heart knows the truth all too well." anonymous

******************************

KATE'S POV

Hindi maipaliwanag ng anumang salita ang sakit na nararamdaman ko habang pinapakinggan ko ang mga ipinagtatapat ni Aisel. Ayoko mang isipin pero alam ko sa loob ko na may kinalaman ako sa gulong namamagitan sa kanilang dalawa.

Hindi sumagi sa isip ko ang posibilidad na hindi matatanggap ni Mike ang naging desisyon ko. On my side, I keep on thinking what could I do to make things in low key between them.

Napahugot ako ng malalim na paghinga bago tumayo para kunin ang first aid kit sa ibabaw ng cabinet ko.

Abala man ang utak ko sa pag-iisip ay sinikap ko parin na manatiling gising ang diwa ko. Saka na ako mag-iisip ng paraan kapag natapos ko mg matulungan si Aisel na malinis ang sugat niya sa mukha.

"Ouch!" Napangiwi siya nang idinampi ko ang daliri ko sa gilid ng labi niyang may sugat para pahiran ng ointment.

"Shhh! Stay still! Hindi pwedeng hindi magamot ang sugat mo dahil baka magkapeklat 'yan," sabi ko na pilit na pinipigilan ang paggaralgal ng boses.

"Ang hapdi kasi," reklamo niya.

"Bakit, noon bang nagsuntukan kayong magpinsan ay umaray ka dahil sa sakit?" napapailing kong sabi saka mas diniinan pa ang pagpahid ng ointment sa sugat niya. Muli ay napangiwi siya. "Ang liit-liit lang nito eh, malayo nga 'to sa bituka!"

Napatitig ako sa kanya nang matapos ng mapahiran lahat ng sugat niya sa mukha.

Kailangan kong maging matapang sa harap niya para huwag siyang panghinaan ng loob. Kahit na ang totoo ay gusto ko na talagang umiyak dahil sa sama ng loob.

Napayuko ako at pilit na itinutuon ang atensiyon sa pagliligpit ng mga gamit pabalik sa medicine kit. Ngunit hindi ko napaghandaan na kaya pala akong ipahamak ng sarili kong katawan. Hindi ko napigilan ang panginginig ng kamay ko habang patuloy na inililigpit ang mga gamit.

Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Aisel sa palapulsuhan ko para pigilan ako sa ginagawa ko. Kaya tuloy napatingin ako sa kanya. Kahit napapangiwi ay pilit parin siyang ngumiti.

"Boys always use their fist to settle things. But, don't worry, everything will be fine. Just give it a little more time."

Napapatitig lang ako sa kanya.

"I trust your words," kasabay ng pagsabi ko no'n ay ang paglandas ng luha sa magkabila kong pisngi. Hindi ko rin napigilan ang pagsigok. Hanggang sa tuluyan na nga akong umiyak. "Pero hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala," patuloy ko.

Sa totoo, ayokong may taong napapahamak ng dahil sa akin. Parang mas gugustuhin ko pang ako ang mapahamak kaysa ibang tao kung ako lang din ang dahilan.

Nasanay ako na iniiwan kagaya ng ginawa ng mama ko. Pero hindi ako nasanay na pahalagahan ng ibang tao. Nakakatakot. Nakakapanlumo. Paano kung mga taong maumpisahan kong pahalagahan ay iiwan ako bandang huli?

Nasanay ako na sila ante Mayet at Tricia lang ang kasama ko. Nakakatakot magpapasok ng ibang tao sa buhay ko.

Kagaya ngayon, kung kailan nag-uumpisa na akong magpahalaga sa ibang tao ay saka naman may komplikasyon na tulad nito na mangyayari.

"Hey!" kahit nanlalabo ang paningin dahil sa luhang nangilid sa aking mga mata ay nakita ko pa rin ang pag-alala sa mukha ni Aisel. Lalo akong napahagulhol sa nakikitang pag-aalala sa mukha niya. Hindi kasi ako sanay na ganito ang eksena naming dalawa. Mas sinanay ko ang sarili ko na magbabangayan kaming dalawa.

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon