Chapter 43: Getting into the picture

978 42 5
                                    

"I love you more today than yesterday, but not as much as tomorrow." Anonymous

******************************

Aisel's POV


Mag-iisang oras ko na ring pinagmamasdan ng lihim ang ginagawa nina Mike at Kate. Kahit pa alam kong kasama naman ng mga ito si Liza, pero hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi makaramdam ng selos.

Panay lang ang buntong-hininga ko habang lihim na nakamasid sa ginagawa nila.

Pinipigilan ko ang sarili ko na lumapit sa tuwing nakikita kong nadidikit kahit ang balikat ni Kate kay Mike.

Napapamura nalang ako ng lihim.

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis. Natatakot ako na baka mahulog ang loob ni Kate kay Mike. Usapang lalake, masaya ako kung sinoman ang babaeng mamahalin ni Mike at ang babaeng magmamahal sa kanya. Just don't let it to be Kate. I want her to be mine! Only mine! I can't imagine myself being with somebody not her.

I just do like her.

Napansin kong panay ang sulyap ni Kate doon sa life-sized teddy bear na naraanan nila noong binibilhan ni Mike ng tsinelas si Liza dahil nanakit ang paa nito sa suot na sapatos.

Panay pa ang tanggi ni Kate nang tanungin siya ni Mike kung gusto ba niyang magkaroon no'ng teddy bear. Kahit naman hindi ko naririnig ang pag-uusap nila ay nababasa ko naman ang mga kilos nilang dalawa.

Parang ewan din itong si Mike eh. Hindi ba niya alam na minsan ang pagtanggi ng mga babae ay kabaliktaran sa kung ano talaga ang nasa loob nila. Kaya hanggang ngayon ay wala pang nagiging girlfriend itong pinsan ko eh kasi masyadong insensitive sa mga bagay tungkol sa babae.

Tsss! Napapailing nalang ako.

Mabuti na rin 'yon para hindi na lumalim pa ang pagtingin ni Kate sa kanya. Pabor sa akin 'yon.

Nang makaalis na sila sa lugar na 'yon ay mabilis kong nilapitan 'yong life-sized na teddy bear. Nag-iisang display nalang kaya 'yon kaya kailangang ako ang makakuha no'n.

Muntik pa akong makakita ng away dahil isang batang babae ang kasabay kong humawak do'n sa teddy bear.

Napilitan pa tuloy ako na gamitin ang gwapo kong mukha para kumbinsihin 'yong bata na sa akin dapat 'yon mapunta. Iniyakan ko 'yong bata at nagkunwaring matagal ko na 'yong inaabangan na mabili at kung hindi ko 'yon nabili ngayon ay tiyak na masisira ang buhay ko. Tinakot ko siya na baka ikabaliw ko pa 'yon at baka magwala pa ako sa harap ng bahay nila kapag nabaliw na ako.

Napangiti ako ng lihim nang walang sabi-sabi ay pumayag 'yong bata.

Well, hindi rin naman siya dehado sa naging negotiation namin dahil dinagdagan ko ng five hundred pesos 'yong pera niya para makabili siya ng iba pa niyang gusto.

Papalubog na ang araw nang magyaya si Liza na kumain sa loob ng Jollibee. Nasa labas lang ako, kunwari'y namimili ng mga wrist watches na nakahilera sa maliliit na stall na nasa hallway ng mall habang nakamasid sa kanilang dalawa.

Napansin ko ring ang bilis na nakagaanan ng loob ni Kate si Liza na sa pagkakaalam ko ay mailap sa taong hindi niya masyadong kakilala. Nasanay kasi itong ang tanging kasama sa buhay ay si tita Alice. Tanging si Mike lang naman kasi ang naiiwan sa Pilipinas kapag nag-a-out of town ang mga magulang niya.

Hindi ko alam na lapitin din pala ng bata itong si Kate at dahil doon ay mas lalo tuloy nadagdagan ang paghanga ko sa kanya. Ngunit sa kabilang banda ay nakaramdam din ako ng threat. Paano kung gagamitin ni Mike na dahilan si Liza para makasama palagi si Kate?

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon