Chapter 41: That Explains Why

965 45 2
                                    

"You can't cross the sea merely by standing and staring at the water. Don't let yourself indulge in vain wishes."  Rabindranath Tagore

****************************

Kate's POV

"Kate!" Malakas na tawag ni ante sa akin. Iwinasiwas pa niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko.

"Po?" Natigil ako sa pag-iisip dahil sa lakas ng boses ni ante.

Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo sa couch.

"Kanina pa kita tinatawag. Bakit parang wala ka sa sarili mo? Nakatulala ka na naman at nasa malayo ang tingin. Ano na naman ba ang iniisip mo?" Ang kaninang malakas na boses ni ante ay napalitan ng pag-aalala.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga, saka seryosong humarap sa kanya.

"Oh ano?"

Saka muli akong bumalik sa paghalukipkip.

"Hoy!"

"Ano kasi ante. Ay, huwag na. Masyadong dyahe," pag-aatubili ko.

"I know that look. Alam kong may bumabagabag sa 'yo. Sige na sabihin mo na. Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin," pagpupumilit din niya.

"Hihingi sana ng advice," umpisa ko. 'Pero ipangako niyo po sa akin na hindi kayo magagalit."

"I'm all ears." Nag-ayos naman siya ng upo na tila ba interesado sa kung ano ang sasabihin ko.

"Naguguluhan kasi ako sa nararamdaman ko ngayon ante," umpisa ko. Pinakiramdaman ko na muna kung ano ang magiging reaksiyon niya bago ako magpatuloy.

"Oh bakit, ano ba ang nararamdaman mo?"

"I'm dating two guys right now!"

"Sino? Si Aisel ba at si Mike?" Mulagat ang mga matang tanong niya.

Sunod-sunod lang akong napatango.

"Problema 'yan."

"Actually, pakana 'to ng magpinsang 'yon eh. Kinausap ba naman nila ako na makipag-date sa kanila at mamili kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin kong maging boyfriend. Is that a little bit absurd?"

Patango-tango lang si ante. Alam kong hinihintay lang niya na magpatuloy ako sa iba ko pang sasabihin. Kilala ko 'yang si ante, kapag interesado 'yan sa isang bagay ay all ears sa pakikinig. Hindi ka niyan puputulin sa kung ano ang sasabihin mo, saka na 'yan siya magsasalita kapag alam niyang tapos ka na sa sasabihin mo.

Kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagsasalita.

"Okay naman ako kay Mike kasi mabait naman talaga ang lalakeng 'yon. Masunurin sa magulang, magalang pa sa matatanda. Kapag siya ang kasama ko, ramdam kong he always keeping his distance from me na parang natatakot siyang makagawa ng mali. Si Aisel naman, sa umpisa very negative 'yong impression ko sa kanya. Ang yabang naman kasi talaga, hanggang ngayon naman ay hindi naaalis sa sistema no'n ang pagiging mayabang," sabi ko na hindi napigilan ang mapapiksi.

"But along the way, unti-unti ko ring nakikita ang mga good qualities na meron si Aisel. Minsan naiinis ako na kasama siya but at the same time, nararamdaman ko rin naman na safe naman siya kasama. He knows how to keep his promise."

"So, you are saying na naguguluhan ka kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin mo?"

Marahan akong napatango.

"Okay, tell me more."

Muli napabuntong-hininga ako. Nagdadalawang isip kasi ako kung papalalimin ko pa ang pagtatapat sa ante ko. Paano kung mapagalitan ako at maisipan pang ikulong nalang ako sa loob ng kwarto. Joke! Alam kong hindi naman gano'n ka harsh ang ante ko. Pero kahit na, alam kong mapapagalitan ako nito.

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon