"Stop being so cute, it's distracting." CuteQuotez.com
*****************************
Kate's POV
Kinabukasan ay bumalik ulit kami sa Winston Academy. Ito na ang last day ng palaro at sa araw din na ito ia-announce ang overall winner sa bawat category ng laro.
First game ay volleyball. Wala naman akong hilig doon kaya hindi na ako sumama kay Tricia na manood. Nasa loob lang ako ng sasakyan habang nakikinig ng music sa ipod ko. Well, isa rin naman kasi sa hilig ko ay ang pakikinig ng music mapa-acoustic, pop, jazz, at kadalasan ay yung mga kina-cover ng iba't ibang youtuber. Ipinikit ko ang mga mata ko habang naka-earphone.
Dalawang oras din ang lumipas nang mapagpasyahan kong lumabas para maglibot.
Hindi paman ako nakakalayo sa sasakyan nang salubungin ako ng maraming estudyanteng nagtatakbuhan patungong basketball court.
Ano naman kaya ang meron?
May sunog ba?
O di kaya naman artista?
Natigil ako sa pag-iisip nang mapansing may dalang banner 'yong iba.
Sa dami ng mga estudyanteng ito, alam kong madadaganan ako kung magpupumilit akong dumaan.
Grabe naman kung maka suporta ang mga 'to? Daig pa ang rally sa EDSA.
"Hey!" may kung sino ang humawak sa braso ko mula sa likuran.
Napalingon ako agad, paano kung magnanakaw pala 'to.
"Oy!" si Mike lang pala 'yon."Hinanap kita kahapon pero bigla kang nawala."
"Ha?" Bakit naman niya ako hahanapin? "Ah eh, may ginawa lang," ang agad kong sabi. Wala naman kasi akong obligasyon na mag explain sa lalakeng 'to sa mga pinaggagawa ko, right? Bakit biglang naging feeling close ng isang 'to.
"So?" Anitong nakakunot ang noo.
"So, ano?" Ako.
"Saan ka pupunta?" Si Mike.
Nagkibit balikat lang ako.
"Siya nga pala. Ano bang meron? Ba't ang daming nagtatakbuhan papuntang basketball court?" Di ko maiwasang tanong.
"May basketball game kasi ngayon," tonong nagyayabang nitong sabi.
"And?-------------- big deal na ba 'yon?" nagpang abot ang kilay na tanong ko.
"Well, for this school, oo."
Tiningnan ko lang siya ng isang tingin na nagtatanong.
"Sumama ka nalang sa akin para malaman mo." And then he drag me na hindi man lang hinintay ang approval ko. Ganito ba talaga ang lalakeng 'to, napakahilig mangaladkad?
Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na tumutol.
Pagdating namin sa loob ay punong-puno na ang mga benches.
Saan kaya kami uupo nito? Baka balak nitong manood na nakatayo lang kami buong game? Hindi sa nag-iinarte ako, ayoko lang talagang nagtatagal sa ganitong kataong lugar dahil nasu-suffocate ako.
Aalis nalang kaya ako dito.
Humakbang na ako palabas.
"Oh, saan ka pupunta?" Pero agad niya akong napigilan sa isang braso.
Inirapan ko lang siya. "Kita mo oh, wala na tayong mauupuan dito."
Natawa naman siya.
"Ano ka ba? Do you think dadalhin kita rito na mapapahiya ako sa'yo. Pinag-reserved na kita ng upuan," kumpyansang sabi niya.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Novela Juvenil"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...