Chapter 42: Why Men Get Jealous

987 50 4
                                    

"I've never been so scared of losing something in my entire life, then again nothing in my life has ever meant as much to me as you do." Anonymous

******************************

Aisel's POV

Linggo ng hapon nang dumaan ako sa bahay nila Mike dahil may ipinadalang papeles si papa para kay tita Alice, mama ni Mike. Magkapatid ang papa ko at ang mama ni Mike.

Matapos long maibigay kay tita Alice ang isang makapal na brown envelop ay mabilis kong tinungo ang kwarto ni Mike sa itaas.

Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkakasama ng matagal mula no'ng umalis siya sa bahay. Magkasama nga kami sa school pero hindi namin kami masyadong nagkakaroon ng time para magkasama dahil may kanya-kanya naman kaming ginagawa after class. Ako busy sa pagba-basketball, siya naman busy sa chess club.

Naabutan ko siyang nakahiga sa kama hawak-hawak ang kanyang smartphone. Pangiti-ngiti pa ito habang kinakalikot ang kanyang phone.

Hindi ko na hinintay na magsalita siya at agad na akong tumabi sa kanya sa kama at sinilip kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Ngunit bago ko pa nasilip ang pinagkakaabalahan niya ay mabilis na niya itong nailayo sa akin.

"Ano ba Aisel! A little bit of privacy here, okay!" Nakasimangot na sabi niya.

Napahalukipkip lang ako sa headboard ng kama niya.

"Bakit, ano ba 'yang pinagkakaabalahan mo?" iritadong tanong ko.

"Wala kang pakialam," aniya, saka nag-ayos ng upo at umusod palayo sa akin.

"Bakit ayaw mong ipakita sa akin? Siguro nanonood ka ng porn, nuh?" pang-aasar ko kahit alam kong hindi naman.

Napamulagat lang ang mga mata niya saka tiningnan ako ng matalim. "Ang dumi talaga ng isip mo!" aniya, saka malakas na ibinato niya sa mukha ko ang unan na nasa tabi niya. "Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng pag-iisip na gaya ng ganyan!"

"Oh, ba't parang napaka-defensive mo naman du'n sa sinabi ko?" pang-aasar ko. "Siguro, totoo nuh?"

"Tsk!" saka isang nang-aasar din na ngiti ang iginanti niya sa tanong ko. "Okay Mike, I'll go with you today since you asked me nicely," malakas na basa niya doon sa text. "It's a text from Kate at pangalan ko lang ang binanggit niya sa text niya," abot hanggang taenga ang ngising patuloy ni Mike. "Kaya aalis ako ngayon kasama si Liza.

What! Bigla ang pagbangon ng inis sa dibdib ko.

"Di 'ba Sunday ngayon? Bakit kayo lalabas na dalawa? Akala ko ba nasa usapan na hindi kasali ang araw na 'to?!"

Nagkibit lang siya ng balikat.

"Why don't you ask her?"

"At saan kayo pupunta?"

"It's none of your business."

Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. At alam kong batid niyang malapit na akong sumabog kapag ganito ang ginagawa ko.

"Sinubukan ko lang naman na yayain siyang samahan akong ipasyal si Liza sa park dahil may gagawin si mama ngayon at hindi niya masasamahan si Liza sa usapan nilang dalawa," agad na sagot niya na tila sumusuko.

Si Liza ay ang nakababata niyang kapatid. Five years old palang ito ngayon.

"Humanda ka sa akin kapag nagsisinungaling ka Mike," pagbabanta ko.

Napapiksi lang siya sa kinauupuan. "At kailan pa ako nagsinungaling sa'yo, aber?"

Mabilis kong kinuha sa bulsa ng suot kong pantalon ang cellphone ko at tinawagan si Kate. I can't believe they are breaking the rules!

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon