"The best relationships are the ones you never saw coming ." thegoodvibe.co
******************************
MIKE'S POV
Nasa pangdalawahang mesa ako nakaupo, sa isang foodcourt sa loob ng mall. Kalahating oras na rin ang nakalipas mula nang maupo ako doon. Tanging bottled water lang ang nasa ibabaw ng mesa na inuukupa ko.
May ilang dumadaan ang napapatingin sa akin at napapakunot ang noo. Napapayuko nalang ako sa tuwing may tumitingin sa akin. Minsan naman ay kunwa'y napapatingin ako sa suot kong wristwatch para iwasan ang mga titig nila.
Ayokong makita sa mga mukha nila ang pagtataka kung bakit mag-isa lang ako sa kinauupuan ko. Ramdam kong ang iba sa kanila ay nag-iisip kung may kasama ba akong hinihintay at ganoon nalang katagal ang paghihintay ko doon. Magkaganunman, may iilan din akong napapansin na panay ang pa-cute sa akin. Pero pasensiya sila dahil hindi ko kayang ibalik ang ngiti sa mga labi nila dahil abala ang isip ko sa pag-iisip.
Napabuntong-hininga ako nang sa di kalayuan ay nakita ko ang babaeng paling-linga pa sa paligid na tila ba may hinahanap ang kanyang mga mata. Nakasuot siya ng floral na off-shoulder na hanggang tuhod ang haba, isang wedge sandal na sa tingin ko ay two inches ang taas at nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok, may kaunting make up din na nakapahid sa kanyang mukha. Kung tutuusin ay maganda siya sa itsura niya ngayon. Very ladylike and innocent. Pero ang katangian na meron siya ay ang opposite character ng babaeng gusto ko. Hindi na ako nag-abalang tawagin siya, hinintay ko nalang na siya mismo ang makakita sa akin.
Napatigil siya sa paglinga nang mapatingin sa kinaroroonan ko. Agad siyang napangiti nang magsalubong ang mga mata naming dalawa. Pero kunot ng noo ang sinalubong ko sa kanya.
"You're late!" salubong ang kilay na sabi ko.
"Eto naman, nagagalit agad. Sige ka, ikaw rin, papangit 'yang gwapo mong mukha," kalmado at nakangiti lang na sabi niya saka naupo sa tapat ng inuupuan ko.
"Ano bang in-order mo?" aniyang inilagay sa mesa ang dala niyang maliit na shoulder bag.
"Alam mo bang kalahating oras at mahigit na akong naghihintay dito? Naligaw ka ba dito sa mall? Tanghali na nagising? O, sinadya mo talagang magpahuli?" bwelta ko naman imbes na sagutin ang tanong niya.
Napalabi siya, saka ilang sandali lang ay napangiti saka ipinatong ang mukha sa magkadikit niyang kamay sa ibabaw ng mesa.
"Number 3."
"What?" Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya.
"Sabi ko, number 3 doon sa mga nabanggit mo," aniya saka nag-ayos ng upo at tumitig ng mariin sa akin. " Sinadya ko talagang magpahuli sa date natin kasi 'yon ang dapat na gawin."
Parang gusto kong mainis sa naging sagot niya.
"At kailan pa naging tama ang pagiging late sa usapan? Saan mo naman napulot ang ideyang 'yan. Masyadong illogical!" napapiksi kong turan.
Napalabi lang siya saka pinasingkit ang mga mata nang ilapit ang mukha sa akin. "Alam mo, kj karin, eh. Wala ka talagang alam sa mga babae. Alam mo kasi sa aming mga babae, mas gusto namin na lalake ang naghihintay sa amin para mas thrill at mas may kilig factor."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Mas lalong napakunot ang noo ko.
Muli ay napaayos siya ng upo.
"Tell me, maraming babae ang nagpapa-cute sa'yo dito kanina nuh?" bigla ay tanong niya.
"Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Ang gwapong katulad mo kapag mag-isa na nakaupo sa ganitong lugar, isa lang ang ibig sabihin 'nun," aniyang nagpabitin pa sa sasabihin niya, "may hinihintay na ka date. Ayaw mo nun, mas iisipin ng mga taong nakakakita sa'yo rito na napaka-gentleman mo dahil nakakaya mong maghintay sa date mo kahit na matagal. At tiyak na maraming babae ang mangangarap sa'yo na makasama nila dahil sa ugali mong 'yan kaya hindi ka dapat na naiinis sa akin, bagkus ay dapat ka pa ngang magpasalamat," mahabang paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Teen Fiction"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...