"If I get jealous then yes, I really like you." Anonymous.
****************************
MIKE'S POV
Kanina ko pa napapansin na hindi mapakali itong si Aisel mula ng maihatid namin si Kate. Nakasimangot ang mukha nito at salubong ang kilay. Nakapanglumbaba nalang ako sa ibabaw ng armchair habang pinapanood siya.
Parehong Architecture ang kursong kinuha namin ni Aisel kaya magkasama kami sa lahat ng subjects. Si Aisel ang klase ng tao na kahit abala sa pagba-basketball at sa pakikipag-date sa mga nagiging girlfriends niya ay hindi nagpapabaya sa pag-aaral at sa pakikinig sa mga discussions. Pero sa araw na ito dalawang subjects na magkasunod ang hindi man lang niya pinagkaabalahang pakinggan. Siguro nga ay dinibdib niya masyado ang nangyari kanina.
Mula pa kanina ay hindi ko na siya nagawang makausap. Masyado yata niyang s-in-eryoso ang nalaman na may ibang lalakeng umaaligi-aligid kay Kate. Well, in that case, maging ako man ay nagulat din sa nalaman. Kasi kahit naman gustong-gusto ko si Kate ay mas gugustuhin ko naman na kung matalo man ako sa pagkuha sa puso niya ay sa pinsan ko nalang at hindi sa kung sinomang lalake. Oo at magkaiba kami ng preference ni Aisel sa maraming bagay pero magkasundo naman ang mga ugali naming dalawa.
In fairness naman kay Aisel, hindi naman 'yan nagpapatong-patong ng babae sa buhay. Oo at naturingan 'yang playboy pero hindi naman dahil sa sinasabay niya ang mga babae kundi dahil hindi nagtatagal kahit isang buwan ang mga babaeng nagiging fling niya. At ni minsan hindi ko pa yan siya nakitang nawindang dahil sa babae, ngayon lang. Everytime na may nakikitang mali sa babae 'yang si Aisel ay agad na hinihiwalayan na walang pag-aalinlangan.
But now, it's different. I can see and feel it na iba ang tingin niya kay Kate at iba ang nararamdaman niya para rito. Ngayon ko lang siya nakitang naging interesado sa isang babae ng gaya ng ipinapakita niya dito.
"Aisel, do you want to grab something to eat?" agaw pansin ko sa patuloy na pag-iisip niya ng malayo nang sumapit na ang break time.
Nilalaro ng kanan niyang kamay ang isang black ballpen habang pinipigilan ang pagtangis ng bagang. I know he is thinking deep.
"Aisel!" tawag ko sa pangalan siya saka napapitik sa harap ng mukha niya.
"What?!"
Saglit akong napabuntong-hininga saka muling nagsalita. "Kanina ka pa nakatulala at hindi bagay sa'yo, kaya tumayo ka na diyan at pumunta na tayo ng canteen."
"Hindi ako gutom!"
"You are acting weird, you know that! It's almost eleven o'clock at magkasunod pa ang dalawang subjects natin pagkatapos ng break. Gusto mo bang umupo nalang buong maghapon na walang laman ang sikmura?! If you eat, at least, you can think better whatever you're thinking right now!"
Napatingin siya ng masama sa akin.
"Anong problema mo Mike? Kung gusto mong pumunta ng canteen, hindi kita pipigilan! Pwede mo naman akong iwanan dito! Hindi mo naman siguro ako buntot para hindi ka makaalis kung wala ako, hindi ba?!" maangas na sabi niya.
Wala akong nagawa kundi ang mapailing. "Ewan ko nalang talaga sa'yo, Aisel. Alam ko naman kung ano ang gumugulo sa isip mo ngayon eh. At hindi mababago ng pagmumukmok mo ang katotohanang may ibang lalakeng umaali-aligid ngayon kay Kate. Kung magpapakagutom ka, bahala ka basta ako magpapakabusog para makapag-isip ng mabuti kung ano ang susunod na gagawin. Dahil hindi ako papayag na madagdagan ang kumpetensiya ko sa atensiyon ni Kate," seryoso kong sabi saka tumalikod na sa kanya.
Pero hindi paman ako nakakahakbang ng isang metro ay nakasunod na siya sa akin. Napangiti ako sa sarili ko. See, I knew him well. Alam kong ayaw na ayaw niyang nalalamangan siya sa anomang bagay.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Teen Fiction"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...