"True love isn't found. It's built." Anonymous
****************************
KATE's POV
Hindi ako makatulog.
Masyado akong inaabala ng utak ko sa kakaisip sa mga kapalpakang ginawa ko.
Hindi ako makapaniwala na napakaingot ko sa unang date naming dalawa ni Aisel. Anong magagawa ko, ganito na talaga ako e. Ingot talaga ako pagdating sa usapang puso. Ano ba ang alam ko sa bagay na 'yan?
Wala!
Zero!
I'm just pretending that I know where in fact I really don't.
Nagsisimula na nga akong manood ng mga romantic movies para lang magkaroon ng idea kung paano makikitungo romantically sa isang lalake.
Ohmyghad! I can't believe na ganito na ako ka desperada na wala namang kinadesperadahan.
Ilang beses akong napapabuntong-hininga dahil sa magkahalong inis at hiya na nararamdaman ko.
Nasa tabi ko ngayon ang teddy bear na ibinigay ni Aisel no'ng gabing inihatid niya ako galing mall.
Oh dear! I really like this one. Paano kaya niya nalaman na may soft spot ako sa mga gan'to?
Saka wala sa loob na niyakap ko ang teddy bear. Pagkuwa'y tinitigan ito na para bang si Aisel ang kaharap ko.
"Just do what you promise Aisel Montenegro! I put everything on the line here," sabi ko habang dinuduro-duro ang mukha no'ng teddy bear.
Hay!
Napahiga ako ulit habang yakap yakap pa rin ang teddy bear.
"Sana lang hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko? Ayokong magkamali. Nakakatakot 'yon."
Saka napapikit ako.
Ang problema ko ngayon ay kung papaano ko kakausapin si Mike. Papaano ko ipapaalam at ipapaintindi sa kanya ang sitwasyon na hindi siya masasaktan?
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kabang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.
Kinakabahan ako kasi para sa akin ay isang malaking hakbang ang ginawa kong pagpasok sa pakikipag-relasyon. Pakikipagrelasyon na kailanman ay hindi pumasok sa isip ko na pwede pa lang mangyari sa buhay ko.
****************
Mag-iisang linggo narin mula no'ng unang 'official date' naming dalawa ni Aisel. At gaya nga ng ipinangako ko kay Aisel ay bumawi nga ako sa naging unang date namin.
Sa bawat araw na magkasama kami ay ginagawa ko ang lahat ng best ko na maipakita sa kanya na masaya ako sa tuwing magkasama kami. Napaka-gentleman din naman kasi niya kaya nababawasan na ang pagkailang ko sa tuwing kasama ko siya.
Sa mga panahon na magkasama kami ay hindi rin naaalis sa pag-uusap namin kung papaano namin ipapaalam kay Mike ang tungkol sa aming dalawa. Ramdam ko na pareho kaming nag-aalala kung papaano ipapaalam kay Mike ang totoo.
Dati nasasabi ko ng deretsahan kay Mike ang tungkol sa amin ni Aisel kasi naman wala pa akong gusto no'n kay Aisel. Pero iba na ngayon kasi wala ng pagkukunwari na namamagitan sa aming dalawa ni Aisel. Though hindi naman naaalis sa isip ko ang mga posibilidad na maaaring hindi mag-work-out ang relationship naming dalawa, hindi naman ibig sabihin no'n na hindi ko pinanghahawakan ang katotohanang 'merong kami' kaya kailangan ko rin talagang alagaan ang relasyon na meron ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Fiksi Remaja"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...