"Life is so full of unpredictable beauty and strange surprises. Sometimes that beauty is too much for me to handle. Do you know that feeling? When something is just too beautiful? When someone says something or writes something or plays something that moves you to the point of tears, maybe even changes you." Mark Oliver Everett, Things The Grandchildren Should Know
******************************
Pasalampak na nahiga ako sa kama pagkadating na pagkadating ko galing school. Hindi ko kayang i-imagine ang pagod na nararamdaman ko ngayon dahil sa buong araw na pinaggagawa namin kanina.
Naaalala ko pa kung papaano ako hilahin ng magkabilaan nina Aisel at Mike. Pakiramdam ko ay gusto ng humiwalay ng pira-piraso ang bawat parte ng katawan ko.
Maya-maya pa ay napadapa ako at isinubsob ang mukha ko sa unan, saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
"May second day pa. Ano na naman kaya ang pwedeng mangyari bukas? Kung iisipin ko palang parang gusto ko ng magpakain sa lupa para hindi ako makita ng dalawang mokong na 'yon.
Kung pwede lang na um-absent ay gagawin ko pero hindi naman kasi pwede. Obliged naman kasi lahat ng estudyante na um-attend. At dahil hindi naman istrikto sa pagpapasok ng taga ibang school kaya malaya na nakakapasok ang dalawang nilalang na 'yon. Alam naman kasi nila na hindi ipinagbabawal kaya ganoon nalang kung makapangulit.
Napaka-OA ko naman kung tatakbuhan ko sila o di kaya ay tataguan. As a student of our school, obligasyon ko rin naman na iparangalan ang school namin kaya kailangang makitungo ng maayos sa ibang mga studyante.
Napatihaya ako, saka napabuntong-hininga. Ilang sandali lang nang magpasya akong magbihis at maglinis ng katawan para makatulog na maayos.
Hindi na ako nagulat nang kinabukasan ay makita sa sala ang magpinsan.
"Bakit hindi mo suot ang ibinigay kong t-shirt sa'yo?" salubong ang kilay na tanong ni Aisel.
Suot niya kasi ngayon ang ka-partner no'ng t-shirt. Corny talaga ng magpinsang ito.
Lihim akong napapiksi habang papalapit sa kanilang dalawa.
"Baka pagpawisan ako. Dala ko naman, nandito sa loob ng bag, oh," depensa ko saka inilabas sa dala kong backpack ang t-shirt at ipinakita sa kanya.
Napalabi lang siya saka may kinuha sa loob ng dala niyang backpack.
"Since mamaya mo pa isusuot ang sa'yo, e, 'di mamaya ko na rin ito isusuot. Paano matatawag na couple shirt ito kung ako lang ang magsusuot?" aniya saka kinuha ang striped shirt na black and gray saka walang paalam na hinubad ang suot niyang shirt.
Mabilis akong napatalikod. "Magsabi ka nga kung maghuhubad ka! Anong akala mo sa bahay namin stripped club?"
"Ayaw mo no'n, libre mo ng makikita ang maganda kong katawan!" panunudyo niya na lumapit pa sa akin mula sa likuran. "Baka gusto mong hawakan ang abs ko, libre pa 'to ngayon," dagdag pa niya.
"Abs ka diyan!" sabi ko saka mabilis na lumayo sa kanya. "Magbihis ka nga ng maayos!" bahagya kong nilakasan ang boses ko habang walang lingong-likod na pumasok sa kusina.
Hindi ko naiwasang hindi mapahingal ng mahina nang nasa loob na ako ng kusina.
Maghubad ba naman sa harap ko! Walanghiya talaga! Anong tingin niya sa akin, atat na makita ang katawan niya. Oo, inaamin ko namang bahagya kong nakita ang maganda niyang katawan. Pero kahit na, hindi pa rin acceptable ang ginawa niya!
Napahawak tuloy ako sa magkabila kong pisngi nang maramdaman ko ang pag-init nito.
"Anong nangyari sa'yo?" maang na tanong ni ante habang naghahain sa hapag ng magiging almusal namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/122323701-288-k451300.jpg)
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Novela Juvenil"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...