Chapter 10: Unexpected Proposal

2.9K 186 28
                                    

If you don't want a sarcastic answer, don't ask a stupid question.

****************************

Aisel's POV

Inihinto ko sa isang beach resort ang kotse. Mga dalawang oras na byahe 'yon galing sa school nitong si Kate.

Nakatulog na siya kaya hindi ko na muna dinisturbo. Mukhang napagod nga talaga ang babaeng 'to sa haba ng byahe. Lagi naman, antukin talaga.

Lumabas ako ng kotse at naglakad-lakad sa dalampasigan. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakalanghap ng sariwang hangin na nagmumula sa dagat. Kahit ang simoy ng hangin lang ay malaking tulong na para mawala ang radiation sa katawan mo.

Ilang minuto pa ay lumabas na ng kotse si Kate. Nanlilisik ang mga mata na lumapit sa akin.

"Saan mo ba ako dinala?" salubong na tanong niya sa akin.

"Obvious ba? Nasa beach tayo," sagot ko.

Napabuntong hininga ito.

"Alam ko. Ang gusto kong malaman ay bakit mo ako dinala rito?!"

"Wala akong maisip na lugar eh."

"Iuwi mo na ngalang ako."

"Malalim na ang gabi oh, isa pa masakit pa ang mga kamay ko para magmaneho."

"Ang dami mong palusot! Nakakainis ka na talaga. Kailan mo ba patatahimikin ang buhay ko?! Una, ginugulo mo ang klase ko at ang pagtulog ko dahil sa walang tigil na kakatawag mo, pangalawa basta-basta ka nalang sumusulpot sa harapan ko at dinadala ako kung saan. Alam mo pwede kitang kasuhan ng kidnapping nito eh!"

Mukhang nagagalit na talaga ang babaeng 'to.

"Ano ba kasi ang gusto mong mangyari? Mula ng makita ko 'yang pagmumukha mo, nabulabog na ang buhay ko. Can't you understand na gusto ko lang mabuhay ng tahimik!"

"Ganun din naman ako ah, I just wanted to live my life in a harmonious way pero nung dumating ka sa buhay ko ay nabulabog narin ang nananahimik kung buhay!"

"Then it's simple, let us just parted ways and everything will be back to normal," siya.

"Nope! That's not what's in my mind."

"And then what?"

"Be my girlfriend!" walang kagatol-gatol na sabi ko.

Na ikinagulat niya.

"What? Are you insane? Ayoko nga! You are so illogical, binasted ko nga pinsan mo na mas matino pa 'yon sa'yo, tapos ngayon you expect me to accept you. Grabe naman!"

"Alam mo bang ang dami-daming babae ang luluhod sa harapan ko patulan ko lang sila tapos ikaw ngayon ay nag- iinarte ng ganyan!"

"Ganun naman pala eh! Then you don't need me!" sabi niya saka tumalikod sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero wala na akong ibang naisip na gawin. Mabilis kong hinawakan ang isa niyang braso para pigilan siya sa paghakbang saka pinaharap sa akin at mabilis na sinakop ang mga labi niya.

Kate's POV

Such a harsh kiss from this ego maniac, rude, ungentle person! What the h***!

Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas.

This time inilagay niya sa likuran ko ang isa niyang kamay saka hinawakan ng isa niyang kamay ang ulo ko pabor sa posisyon niya as he continue kissing me. Gusto niyang ibuka ang bibig ko pero pinagsikapan kong panatilihing nakasarado iyon.

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon