" A weak man can't love a strong woman. He won't know what to do with her." by lookupquotes.com
*************************
Aisel's POV
Kanina ko pa gustong lapitan at yakapin si Kate at kumustahin kung hindi lang dahil dito kay Mike. Kapag talaga ang kadaldalan nitong si Mike ang umiral, tatalunin pa ang isang babae sa kadadada kaya pinili ko nalang muna ang manahimik sa couch. Pagbibigyan ko na muna ang kagustuhan nitong si Mike na kausapin si Kate at kapag nairita na ako sa boses niya ay saka ko lang sisirain ang moment nilang dalawa.
Alam ko namang gustong-gusto na talaga nitong si Mike na makausap si Kate, sa aming dalawa inaamin kong ito ang mas OA kung mag-alala. Lagi naman kahit noong mga bata pa kami, siya itong madaling maapektuhan ng mga nangyayari sa paligid ni kahit sa maliliit na bagay. Lumaki rin siyang hindi masyadong pala-kaibigan, nabibilang nga lang sa daliri ang mga taong kilala at nagiging kaibigan niya, kinikilatis na muna kasi niya ang isang tao bago niya kinakaibigan. Masyado kasing masilan pagdating sa taong nilalapitan itong si Mike, 'yon nga lang kapag palagay na ang loob niya sa isang tao, halos ayaw na ring lubayan. Kaya ayan, hindi kataka-takang parang ayaw na niyang lubayan si Kate, kahit wala ng pwedeng mapag-usapan sige pa rin, basta lang makausap niya.
Ako naman, heto at tahimik lang na nakikinig sa naging pag-uusap nilang dalawa ni Kate. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko para pigilan ang sarili ko na ilayo si Mike kay Kate. Hindi rin naman kasi ako ganoon kasamang tao para ialis ang kaligayahan ng iba, 'yon nga lang kapag ako na ang nangangailangan ay lumalabas din ang pagiging selfish ko, kung 'yon nga ang pwedeng itawag doon.
"Talaga bang okay na ang pakiramdam mo? Wala ng masakit sa'yo?" Hindi ko napigilang hindi idilat ang mga mata ko at napatingin sa direksiyon nilang dalawa. Wala sa loob na naikuyom ko ang dalawa kong kamao nang makitang ang lapit-lapit na ng mukha ni Mike sa mukha ni Kate. Nakapatong pa ang kamay niya sa noo ni Kate. Sumusobra na 'tong si Mike sa pana-nyansing ah. Ano bang plano niyang gawin? Hindi ba niya alam na nandito lang ako sa tabi-tabi?
Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanilang dalawa.
"Ahem!" sinadya kong palakasin ang boses ko para mapansin nilang dalawa lalo na ni Mike na gising na ako at aware ako sa mga pinaggagawa nilang dalawa.
At sabay pa talaga silang dalawa na napatingin sa akin. Tsss. I just smirk. Kung alam lang ng dalawang ito na kanina ko pa sila gustong paghiwalayin.
"Mike, kanina ka pa nakikipag-usap kay Kate, baka naman pwedeng ako naman ngayon ang bigyan mo ng panahon! Pwede bang lumabas ka na muna ng kwarto. Gusto kong makausap ng solo si Kate!"
"Tsss! Bakit hindi mo siya kausapin habang nandito ako para marinig at malaman ko naman kung ano ang sasabihin mo sa kanya!"
"Ayoko nga! Pwede ba, Mike!"
"Andiyan ka na naman sa pagiging bossy at arogante mo! Dahil masaya ako ngayon at ayokong masira ang maganda kong mood kaya pagbibigyan kita. Pero huwag kang umasa ng isang-daang porsiyento Aisel. Ayoko lang na makipag-away sa'yo ngayon dahil nasa harap natin si Kate at ayokong madagdagan pa ang alalahanin niya," nagpipigil ng inis na sambitla ni Mike.
Hindi ko na hinintay pa na humakbang siya papalabas, ako na mismo ang nagtulak sa kanya palabas ng kwarto saka ini-lock ang pinto para hindi na siya makapasok.
"Aisel, ba't mo ini-lock ang pinto?" maang na tanong ni Kate na magkasalubong pa ang dalawang kilay.
"At bakit hindi, kanina pa kayo nag-uusap. Pinagbigyan ko lang naman ang pinsan ko na kausapin ka at dahil nakailang minuto na rin siyang nakikipag-usap sa'yo, sapat na dahilan na rin siguro 'yon para solohin kita," agad kong sagot habang humahakbang papalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Teen Fiction"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...