"Love is a trap. When it appears, we see only its light, not its shadows."
***************************
Mike's POV
Ilang minuto rin ang ginugol ko para mamili ng pwedeng panoorin. May nakita akong isang Japanese Movie, 'Death Note' ang title. Sinipat-sipat ko pa 'yon, lumang version, year 2005 pa ang version na 'yon.
Nagkibit balikat lang ako. Alam ko rin naman kung papaano paaandarin ang aparato kaya minabuti ko ng manipulahin iyon. Agad kong isinaksak sa DVD player ang CD tape. Feel at home akong pumwesto sa couch na nakaharap mismo sa TV. Magandang posisyon. 'Yon din naman ang sabi ni Kate di'ba, ang ma feel at home. Napangisi ako. Dadalas-dalasan ko kaya ang pagbisita dito sa bahay nila Kate. Mas lalo akong napangisi sa iniisip ko.
Ilang minuto na rin ang lumipas, nag e-enjoy na ako sa pinapanood ko nang makababa si Kate. Napatingin ako sa kanya. Bagong paligo na si Kate at gaya ng sabi niya, isang simpleng pambahay lang ang isinuot niya. Isang maluwang na t-shirt at jogging pants. Napangiti ako. 'Yan naman talaga ang nagustuhan ko sa kanya, wala masyadong arte sa katawan. Walang pakialam kung ano ang magiging itsura niya sa harap ng ibang tao. Isa pa kahit naman hindi na masyadong mag-ayos si Kate, maganda pa rin naman siya.
Kunot ang noong tumingin siya sa akin.
"Oh, ba't napapangiti ka diyan?"
"Ah, wala naman," agad kong pinalis ang ngiti sa mga labi ko saka bumalik ulit sa kinauupuan ko.
Pasalampak na naupo si Kate sa kabilang upuan. Grabe siya, hindi man lang siya tumabi sa kinauupuan ko. Eh, ang luwang-luwang kaya. Pakiramdam ko tuloy ay meron akong nakakahawang sakit. Saglit akong napatingin sa kanya saka muling itinuon ang mga mata ko sa panonood.
"Di ba may bagong version nito na pinagbibidadhan ni Kento?" di ko maiwasang sabi.
Napalingon naman siya sa akin saka napatango. "Oo, meron at mas maganda ang version na 'yon dahil very detailed at nakasunod din sila sa original script," sagot naman niya.
"Wala ka ba nung new version?"
"Naku, mahirap hanapin 'yon. Isa pa, ginawa na nilang series 'yon kaya nga pinanood ko na 'yon noong nagdaang taon. Ang ganda ng pagkakagawa. Very detailed at talagang ginaya nila sa original script," sagot niya saka muling tumayo at nagtungo sa harapan at tiningnan ang iba pang mga CDs. "Kung medyo bored ka na diyan sa pinapanood mo, marami pa naman dito, di na nga lang bago."
"I didn't know na mahilig ka pa lang mag collect ng mga DVDs and CDs?"
"Hindi ko collection ang mga 'to. Sa pinsan ko 'to. Siya 'yong very updated sa mga palabas, mapa-local or international," sagot niya na hindi man lang tumitingin sa akin.
Tatlong CDs ang iniangat niya saka tumingin sa akin. "What about these, I have here, 'Maze runner', 'Max Steel', 'Ant-Man'.
"Okay, I'll settle with Maze Runner."
"Okay!" saka mabilis niya na 'yong isinalang.
"Bibili lang ako ng chips," singit ko sa kalagitnaan ng panonood.
"Magandang idea 'yan," saka pinindot muna niya ang pause button ng remote control. "Maghahanda nalang din ako ng maiinom natin," aniya saka tumayo na agad sa kinauupuan.
Nagtungo na agad ako sa convenience store. Iilang malalaking chips ang binili ko saka kumuha na rin ako ng limang piraso ng softdrinks in can.
Pabalik na ako sa bahay nila Kate, napabagal ang pagpapatakbo ko ng sasakyan nang mapansing may kakarating lang din na sasakyan sa harap ng bahay nila. Napakunot-noo ko. Ngunit napawi rin ang pagtataka ko nang mapagtanto ko kung kaninong sasakyan ang bagong dating.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Ficção Adolescente"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...