"I will do anything for you to see your smile."
*****************************
KATE's POV
Linggo ng gabi, mag-a-alas diyes na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi maalis-alis sa aking isipan ang nangyaring pag-uusap naming tatlo nung nagdaang araw.
Pagkatapos nilang makipag-usap sa akin ay inihatid lang nila akong dalawa sa bahay at agad na ring nagpaalam na aalis. Ang sabi pa ng dalawa ay ibibigay nila sa akin ang dalawang araw para makapag-isip at makapagpahinga.
Bakit, may balak ba silang pagurin ako sa mga susunod na mga araw? Ano ba ang iniisip ng mag-pinsang 'yon?
Sa kabilang banda ay tama rin naman silang dalawa dahil ngayon palang ay naguguluhan na ang utak ko sa kung ano ang gagawin ko.
Hindi ko maiwasang isipin na baka nang-go-good-time lang ang dalawang 'yon at sinusubukan lang ang kakayahan kong mag-isip.
Pero iniisip ko rin na paano kung totoo lahat ang mga sinabi nilang dalawa? Hindi rin naman kasi marunong magbiro ang mag-pinsang iyon pagdating sa ganitong mga bagay-bagay.
Napapabuntong-hininga nalang ako dahil pakiramdam ko ay sasakit ang ulo ko sa kakaisip.
Itinakip ko ang isa kong unan sa mukha ko at sumigaw ng malakas. Ayokong marinig ni ante ang sigaw ko kaya ko 'yon ginawa. Baka kung mataranta pa 'yon kapag narinig akong sumisigaw.
Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Lunes na sa darating na bukas. Nag-aaway sa utak ko ang ideyang ito ang unang pagkakataon na makakasama ko si Mike hindi bilang tinuturing kong kaibigan lang kundi bilang manliligaw at ang ideyang baka nananaginip lang ako at hindi naman 'yon mangyayari.
Mariin kong nakagat ang pang-ibaba kong labi saka pilit na ipinikit ang mga mata.
Bahala na.
--------------
Naalimpungatan ako dahil sa walang tigil na katok mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.
Matamlay ang hakbang na tinungo ko ang pinto at binuksan ito habang ang isa kong kamay ay abala sa pagkusot sa dalawa kong mata dahil hindi ko pa magawang buksan ito dahil sa sinag ng araw.
"Good morning!" masigla ang tinig na bati sa akin ng napagbuksan ko ng pinto.
Naisara ko ulit ng wala sa oras ang pinto nang sa wakas ay maidilat ko ang aking mga mata at nang mapagsino ito.
"Hey!" Katok nito ulit.
Napamulagat ang mga mata ko dahil sa pagkakataong ito ay gising na gising na ang diwa ko.
Pinihit ko ang lock ng door knob para hindi ito mabuksan ng nasa labas ng pinto.
"Anong ginagawa mo rito?" sa wakas ay nagawa kong itanong sa likod ng pinto.
"Of course, sinusundo ka. Ano pa nga ba?" Halata sa boses nito ang sigla.
"I mean, dito sa itaas ng kwarto ko?"
"Pinapagising ka kaya ng tita mo dahil kanina ka pa raw dapat gising dahil tiyak na mahuhuli ka na sa klase mo," malakas ang tinig na sabi nito.
Nagulat naman ako roon sa sinabi niya kaya mabilis kong tiningnan ang alarm clock ko at hindi nga siya nagbibiro. Quarter to seven na ng umaga.
"Oh gosh! Sa baba ka nalang maghintay. Maliligo pa ako at magbibihis," malakas na sabi ko na hindi binubuksan ang pinto.
"Okay!" ang sagot lang nito saka narinig ko na ang mga yabag nito paalis.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Novela Juvenil"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...