Chapter 9: Simply crazy

2.6K 172 16
                                    

Sometimes just hearing your voice is all I need!

****************************

Kate's POV

Nagising ako kinabukasan at agad na napabalikwas ng bangon. Paano, namalayan kong hindi man lang ako nakapagbihis ng pantulog. Nalukot ang noo ko dahil sa samot-saring katanungan sa isip ko.

"Huwag kang humarap sa salamin na para kang may amnesia."

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang pumasok mula roon si Tricia. Nakabihis na ito, handang-handa na sa pagpasok.

Hindi ko pa rin binabawi ang pangungunot ng noo ko habang nakaharap sa kanya.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya habang isinasara ang pinto sa likuran niya habang humahakbang palapit sa akin.

"Hindi mo ba naalala kung sino ang naghatid sa'yo rito kagabi?"

Sunod-sunod akong napailing.

"Tsss! Kung hindi dahil kay Mike baka uumagahin ka na namang natutulog doon sa karenderia."

"Si Mike? Paanong napunta roon si Mike?" maang kong tanong.

"Siya lang naman po ang inabala kong tawagan kagabi para hanapin ka."

"Hindi mo ba ako naraanan sa karenderia kagabi?"

"Kasi naman po, sumabay lang ako sa kotse nila Carol nang sunduin siya ng papa niya kagabi. Hindi narin ako natingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Malay ko bang hindi ka pala dumeretso ng bahay."

Napabuntong-hininga nalang ako, saka nagbawi ng tingin sa kanya at muling humarap sa salamin.

"I'm sorry Tricia kung umandar na naman ang katangahan ko. Pati pa tuloy ikaw nadadamay. Siguro pinagalitan ka na naman ni ante Mayet."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Sus, nagdrama pa," aniyang pagak na natawa, "para namang hindi ka sanay ka mama. Naglibot lang naman ako sa subdivision ng mahigit isang oras sa paghahanap sa'yo."

Nandilat ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Talaga ba?"

"Ah huh!" aniyang napapatango.

"Naku, pasensiya talaga Tricia," nag-iinit ang pisnging sabi ko.

"Sus," aniyang iwinasiwas pa ang kanang kamay sa ere, "parang 'yon lang. Hindi pa ba ako masasanay sa mga ginagawa mo," dagdag niyang napapapiksi.

Nginitian ko na lang siya saka nilapitan at niyakap.

Mahal talaga ako ng pinsan kong 'to.

Alas diyes ng umaga, during break time ay tinawagan ko si Mike para magpasalamat sa ginawa niyang paghatid sa akin sa bahay.

"Ano ka ba, okay lang 'yon nuh. Natutuwa nga ako at ako ang tinawagan ni Tricia," masiglang sabi niya sa kabilang linya.

"Hindi ba kita nadisturbo kagabi? Baka kasi natutulog ka na tapos inabala ka pa ni Tricia."

Hindi siya sumagot pero narinig ko pa ang pagak niyang tawa.

"Hala, sinasabi ko na nga ba. Naabala pa tuloy kita. Tell me, ano ang pwede kong gawin para makabawi sa'yo?"

Napatikhim siya.

"Talaga ba?"

"Tsss!" hindi ko maiwasang hindi mapaikot ang mga mata ko. Masaya ba ang lalakeng 'to? Parang 'yon lang, eh. "Gusto ko lang bumawi sa ginawa mo. Baka sabihin mo pang wala akong utang na loob."

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon