Aisel's POVSa wakas ay tapos na rin 'yong game namin. Expected panalo kami. Pero ito 'yong game na hindi ako masaya na nanalo ang team namin.
Hindi na ako nakipag sayahan sa mga kasamahan ko, um-exit agad ako. Deretso sa locker room. Hubad sa jersey na basa na ng pawis at bihis ng bagong damit. Kuha sa backpack saka kinuha agad sa loob ang cellphone at nag dial.
Tinawagan ko agad si Mike.
Mabuti at sinagot naman agad.
"Where are you?" ako.
"Nasa labas ng oval," mabilis na sagot ni Mike.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mga maiingay na boses ng mga babae sa paligid niya na mas lalong nagparamdam ng inis sa akin.
"I'm coming over!"
'Yon lang at pinatay ko na agad ang phone.
Ilang sandali pa ay nakarating narin ako sa may oval. Nakita ko agad si Mike na pinaliligiran ng mga babaeng nakikipag-kwentuhan sa kanya. Ang iba ay hindi magkamayaw sa pagkuha ng picture kasama si Mike.
At kailan pa nagka-interest ang pinsan kong 'to sa mga babae?
Tsss!
At may gustong hagilapin ang mga mata ko.
Wala ito doon sa mga nag kumpulan na mga babae.
But finally I saw her at the back of the car. May nakalagay na earphone sa magkabilang taenga, may kasama rin itong isang babae.
I remember the second time we bump to each other. Pabalik ako 'nun ng rooftop dahil naiwan ko sa itaas ang hiniram kong Science book sa library to do my assignment nang biglang humarurot pababa ng hagdan ang babaeng 'yon at binangga ako. The nerve of that girl!
"Mike!"sigaw ko.
Napalingon silang lahat sa akin maliban lang sa babaeng 'yon na hindi yata narinig ang ginawa kong pagsigaw dahil sa earphone na nakalagay sa taenga nito at dahil nakapikit din ito.
"Aisel," nakangiting salubong ni Mike.
Hindi sa hindi ako masaya para sa pinsan ko. Naiinis lang talaga ako sa mga sandaling ito.
Hindi ko pinansin ang mga babaeng nagpapa cute sa akin ngayon. Hindi ko kayang ibigay sa kanila ang matamis kong ngiti. Sorry girls.
"Gutom na ako, alis na tayo," kunot noo ko paring sabi.
"Okay!" hindi parin maalis ang sigla sa boses niya, "Saglit lang."
Saka tinalikuran niya ako at pinuntahan 'yong babae.
"Kate?" tinanggal pa ni Mike ang isang earphone sa taenga nung babae.
Ganoon ba sila ka close para gawin 'yon ni Mike?
Grabe na 'to ha! Hindi ko mapigilang mapakagat lagi sa pagpipigil sa galit ko.
Tinitingnan ko lang silang dalawa.
"Oh bakit, may problema ba?" tanong ng babae.
"Ahm, wala naman, nagyaya kasi pinsan ko na kumain. Baka gusto mong sumama?" si Mike.
What? At ini- invite niya ang babaeng 'to? Ayoko nga!
"Ha? Naku, huwag na Mike. Dito lang ako, anyway, thanks sa pagsama sa akin dito," sabi nito saka ibinalik ang earphone sa taenga nito.
Tinanggal ulit ni Mike ang earphone nito.
"Ngayon nga lang ako nagde- demand. Gaya nga ng sabi mo, ngayon lang naman tayo magkakasama kaya lubusin mo na ang pagtanggap sa mga hiling ko," tila naglalambing na sabi ni Mike.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Novela Juvenil"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...