Chapter 32: That Person

1.3K 65 2
                                    

"Sometimes you have to pick up the hard choices."

****************************
K

ate's POV

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko, matapos sabihin ng doctor na pwede na akong makauwi isang araw pagkagising ko ay agad na rin kaming umuwi. Sino ba naman kasi ang may gustong manatili sa hospital? Hindi ko pa naman gusto ang amoy ng hospital, amoy-gamot at alcohol, pakiramdam ko ay lalo akong magkakasakit kapag nanatili ako doon. May mga iilang paalala na sinabi ang doctor bago kami umalis. Hindi na rin naman bago sa akin 'yon dahil palagi naman din talaga akong bumibisita sa doctor para sa regular check-up ko bago paman nangyari 'yong pagtatangka ni Marcus sa buhay ko.

Hindi ko napigilan ang pagbuntong-hininga nang maalala ko si Marcus, he seems to be a good guy naman kasi kaya hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon sa akin. I'm not that innocent para hindi makaramdam ng kakaiba sa paligid ko, its just that, ayoko namang maging paranoid na bawat nalang tao na makakasalamuha ko ay kikilatisin ko. That must be very stressful.

Kung minsan, kahit ako ay naguguluhan din sa takbo ng isip ko. Sa totoo ay gusto ko naman talagang ibigay ang tiwala ko sa isang tao, minsan nga lang ay hindi ko rin maiwasan ang hindi mag-over-analyze kaya siguro minsan ay nao-over-look ko 'yong ibang mga bagay.

"Parang malalim yata ang iniisip mo ah?"

Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Tricia. Oo, tama, kasama ko si Tricia ngayon sa loob ng kwarto. Tinutulungan niya ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.

"Ang lalim ng buntong-hininga mo, ah. Ano bang iniisip mo pinsan?" ulit niya.

"Wala naman, huwag mong intindihin, hindi naman ganun ka halaga," sagot ko nalang saka napangiti. Kaya napakibit-balikat nalang siya.

"Siya nga pala, pinapasabi ng dean na kakausapin ka raw bukas, first hour in the morning."

"Ha, bakit daw?" napakunot naman noo ko. Bakit ako kakausapin ng dean?

Nagkibit-balikat lang si Tricia. "I do not know. Basta 'yon ang bilin niya sa akin kanina bago ako umalis ng school."

Napaisip tuloy ako sa kung ano ang dahilan at kailangan pa akong kausapin ng dean. Hindi ko rin kasi alam kung anong ugali meron ang dean. Minsan nakaharap ko na siya pero sa pagkakataong iyon naman ay kasama ko ang ibang member ng student council.

"Seryoso ba? I mean, hindi naman ako sanay na humarap sa matataas na tao. Tungkol kaya 'to sa nangyari sa akin?" nag-aalala kong tanong.

"Malamang oo, malamang din hindi. Ewan ko, wala akong ideya."

Hindi ako umimik, nanatiling nakakunot ang noo ko.

"Ano ka ba, huwag ka nga masyadong nag-iisip diyan. Build the bridge when you get there, okay."

Napapatango nalang ako. Bakit, may iba pa ba akong magagawa?

----------

   
First hour in the morning ay dumeritso na agad ako sa opisina ng dean, solong gusali 'yon at makikita sa likod na bahagi ng Academic Building. Walang masyadong estudyante ang napapadaan sa lugar na 'yon, karamihan ay umiiwas na mapagalitan. 

Limang minuto na akong nakatayo sa harap ng pinto pero hindi ko pa rin magawang kumatok, inuunahan ako ng kaba. Gawa ng wala naman akong ideya sa dahilan kung bakit ako pinapatawag kaya mas lalo akong kinakabahan, sanay akong napapag-planuhan kung ano ang sasabihin ko sa kaharap ko, hindi katulad ngayon.

Hindi na ako sinamahan ni Tricia sa pagharap sa dean dahil ayon na rin kay Tricia, gusto akong makausap ng mag-isa ng dean.

Tatlong beses na siguro akong napahugot ng malalim na paghinga bago ko ipinasiyang kumatok.

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon