Chapter 53: You're all I Need

967 44 6
                                    

"Sometimes, what you're looking for  comes when you're not looking at all."

******************************

KATE'S POV

"Ano ba 'yan? Bakit kailangan pang lumakas ng ganito ang ulan?" Napapatingin ako sa wristwatch ko. Mag-a-alas-otso na kasi ng gabi at wala pa rin si ante Mayet. Buong araw kasi siya wala dahil um-attend ng training workshop sa paggawa ng cupcakes sa Zambales. Ang sabi naman niya ay uuwi siya kapag maagang matapos ang workshop. Pero umabot na ng gabi ay wala pa siya tapos umulan pa ng malakas. 

Napapapiksi ako habang palakad-lakad ng paroo't parito sa sala dahil hindi ako mapakali na maiwang mag-isa sa bahay. Napatingin ako sa labas ng bintana. Parang wala yatang balak na tumigil ang ulan sa pagbuhos, maya't maya ay umeeksena pa  ang matinis na kidlat at ang malakas na kulog. 

Malabo na yatang makauwi pa si ante ngayon. 

Iniayos ko ang pagkababa ng mga kurtina sa bintana baka kasi tamaan ng kidlat ang salamin at idi-nouble check ko na rin ang pagkakasara ng pinto maging sa kusina saka ako nagpasya na pumanhik sa itaas ng kwarto ko.

Napatili ako dahil sa pagguhit ng malaking kidlat sa madilim na kalangitan kasabay ng pagkawala ng ilaw sa buong subdivision.

"Ano ba 'yan, kung mamalasin ka nga naman!" inis kong sabi saka naghagilap ng flashlight sa ibabaw ng divider kung saan doon ang kadalasang lagayan ni ante.

Naipalo ko ng mahina sa palad ko ang flashlight nang magpatay-sindi ito. Hindi pa ata ito na charge eh. Nang maging maayos na ang ilaw nito ay maingat akong umakyat ng hagdanan dahil baka matisod ako.

Napasinghap ako nang sumalubong sa mukha ko ang malamig na ihip ng hangin na nagmumula sa maliit na siwang ng bintana. Hindi ko pa pala naisasara 'yon.

Napatigil ako sa pagsasara ng pinto ng kwarto ko nang maaninag ko mula sa liwanag na dulot ng kidlat ang bahagyang pagbukas ng bintana sa balkonahe ng kwarto ko. Bigla ang pagsugod ng di maipaliwanag na kaba sa buo kong pagkatao. Pakiramdam ko ay naririnig ko na ang sarili kong hininga at ang sariling tibok ng puso ko. Naglakad ako ng patiyad para hindi makalikha ng anomang  ingay. Hawak ko sa kaliwang kamay ang nakapatay na flashlight at marahang lumapit sa bintana.

Napatigil ako sa paghakbang nang maramdaman ko na may gumalaw sa ibabaw ng kama ko. Mabilis kong natutop ang bibig ko para pigilin sa paglikha ng anomang ingay. Hinawakan ko ng mahigpit ang hawak kong flashlight. Sinanay kong maigi ang mga mata ko sa dilim ng paligid at inihanda ko ang sarili ko sa pagsugod.

"Ahhhhhhhhhhhhh!" Napasigaw ako habang malakas na inihampas ang hawak-hawak na flashlight sa kung sinoman ang nilalang na nasa ibabaw ng kama ko.

"Ahhhhhhhhhhhh!" Napasigaw din ito habang sinasanggalang ng kanan nitong kamay ang hawak kong flashlight.

Mas lalo akong nataranta at wala sa loob na pinaghahampas kung sinomang intruder ito. "Mga kapit--- ba---hay," hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko nang tinatakpan ng basa at nanlalamig nitong kamay ang bibig ko.

Gusto ko ng umiyak. Napasok yata ako ng masamang loob. Nagpupumiglas ako, hindi pwedeng magtagumpay ang masamang-loob na 'to sa anomang balak niya. Kakagatin ko na sana ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko nang magsalita siya.

"Kate, calm down, it's me!" anang pamilyar na boses.

Napatigil naman ako sa ginagawa saka marahang nag-angat ng paningin. Kahit aninag lang ng liwanag na nagmumula sa labas ay sinikap kong mukhaan ang taong nasa harapan ko.

Napalunok ako nang mapagsino ito.

"Aisel," halos pabulong na sambit ko sa pangalan niya.

Doon lang niya ako binitiwan ng tuluyan.

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon