"Love is a strange thing. It can make the weakest person strong and the strongest person weak." Anonymous
***************************
K
ATE'S POV
Hindi ako masyadong nakatulog sa nagdaang gabi dahil sa kakaisip. Bombarded masyado ang utak ko sa kung ano ang pwede kong gawin, kung ano ang pwede kong sabihin at kung anu-ano pa kung sakaling makaharap ko ang papa ko. Of course, sa kagaya kong hindi nakaranas ng pagmamahal ng isang tunay na ama ay sabik na makita at makilala ang lalakeng naging dahilan para mabuhay ako sa mundong ito.
At the back of my mind, magkahalong excitement and fear and nararamdaman ko. Masyadong maraming nangyari sa linggong ito sa buhay ko kaya pakiramdam ko ay walang pagsidlan ang mga nararamdaman ko.
Napapahikab pa ako nang bumaba sa kusina. Naabutan kong naghahanda na ng agahan si ante pagkababa ko.
"Oh, andiyan ka na pala. Umupo ka na at ng makakain na. Tumawag sa akin si Tricia, magpapadala ng agahan, na miss na kasi raw niya ang luto ko," masiglang sabi ni ante. Pinagmamasdan ko lang ang kilos niya. Natutuwa ako kasi mabilis na bumalik sa dati ang relasyon naming dalawa na para bang walang nangyaring komprontasyon sa aming dalawa sa nagdaang gabi. Well, isa rin naman 'yan sa nagustuhan ko sa ante ko, para sa kanya kapag ang isang bagay ay nakalipas na ay hindi na dapat ibinabalik pa sa alaala.
"Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" kunot-noong tanong niya nang mapansin na panay ang paghikab ko.
Napapatango lang ako.
"Opo ante, hindi agad ako dinalaw ng antok kagabi."
"Hay naku bata ka. Alam mo namang hindi pwede sa'yo ang mapuyat dahil hindi 'yan nakakabuti sa kalagayan mo. Hulaan ko, gumugulo siguro diyan sa utak mo ang mga sinabi ko sa'yo, ano?" hindi naiwasang mapahugot ng malalim na paghinga si ante.
Muli ay napatango lang ako.
"Huwag mo kasing masyadong sineseryoso ang mga bagay-bagay. Ilang beses ko ng ipinapaalala sa'yo na huwag mo masyadong guluhin ang sarili mo sa kakaisip. Minsan ay hindi rin nakakabuti sa sistema natin ang matinidng pag-iisip. Try to relax your mind sometimes."
"Naiintindihan ko po." Hindi na ako nakipagtalo pa.
************
Isang paper bag ang iniabot ni ante sa akin bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Pagkain 'yon para kay Tricia.
"Alis na po ako ante."
Napatungo lang siya. "Mag-iingat ka," habol na paalala niya.
Isang ngiti lang ang iginanti ko sa sinabi niya saka tuluyan na nga akong lumabas ng bahay.
Napakunot naman ang noo ko nang abutan ko sa labas ng bahay ang magpinsang Aisel at Mike, tila nagtatalo na naman ang mga 'to.
Sabay pa silang napalapit sa akin nang makita ako. Magkabilaang braso ko sila napahawak, si Aisel sa kanang braso ko habang si Mike naman ay sa kaliwang braso ko nakahawak.
"Ako na ang maghahatid sa'yo ngayon Kate," sabay pang turan nilang dalawa.
"Papasok akong mag-isa," agad kong sagot.
"You can't do that!" sabay pa talagang tutol nila.
"Wala naman kayong magagawa doon sa desisyon ko. Katawan ko naman 'to kaya may karapatan ako na gawin ang gusto ko kaya shoo," Pagpapaalis ko sa kanilang dalawa.
"Sinadya ko pang gumising ng maaga para lang mapuntahan ka ng maaga rito sa inyo," sansala ni Mike.
"Kagabi pa ako hindi natulog para lang mapaaga ang pagpunta rito sa inyo kaya hindi pwede. Sa akin ka sasakay. I won't take no for an answer!" matigas ang anyong sabi naman ni Aisel. "Hindi mo ba nakikita ang mga eyebags ko dahil wala pa akong tulog!" dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Teen Fiction"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...