"A true relationship is when you can tell each other anything and everything. No secrets, no lies."
******************************
KATE'S POV
Nagising ako sa pakiramdam na parang may mainit na bagay akong hinahawakan. Marahan akong nagmulat ng mga mata.
Bakit may hubad na lalake dito sa kama ko? Am I still dreaming?
Napapikit ako ulit at nagsumiksik sa dibdib nito. But it feels real. Napamulat ako ulit saka mabilis na napaatras nang ma-realized ko kung ano ang nangyayari. Biglang nag flashback sa isip ko ang mga pangyayari kagabi. Napaayos ako ng upo saka napatitig sa natutulog pa rin na si Aisel.
At bakit ang dami niyang pasa sa mukha at sa balikat? May nakaaway ba siya kahapon?
"Aisel?" mahinang tapik sa pisngi niya ang ginawa ko. Ang init parin talaga niya. Nakakapaso na ng kamay ang init ng katawan niya. Kailangan na niyang madala sa hospital. Napaatras ako para tumayo na sa kama pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Napasubsob ako sa dibdib niya. Napasinghap ako nang madaiti ang mukha ko sa mainit na dibdib niya. Mas lalo akong nakaramdam ng pag-aalala sa kalagayan niya.
"Parang nawiwili ka na sa paghawak sa dibdib ko ah! Namangha ka ba sa abs ko?" may halong pang-aasar na sabi niya.
Mabilis akong nag-angat ng mukha para salubungin ang mga titig niya.
"Abs ka diyan," hinampas ko ng mahina ang balikat niya. "Ano ka rin eh. Kahit may iniinda ng sakit ay nakukuha paring magloko. Eh, ano ngayon kung may abs ka, mababago ba nun ang katotohanang puno ng pasa 'yang mukha at balikat mo!" sinadya kong taasan ang boses ko para i-divert ang nararamdaman kong pamumula ng pisngi. "Oh, ayan," dagdag ko saka inayos ang pagkakabalot ng kumot sa buo niyang katawan, "para hindi ko na makita 'yang ipinagmamalaki mong abs," saka napalabi ako.
"Halika nga dito," aniyang napapailing at napapatawa, saka niyakap ako. "Hindi ka na mabiro. Binibiro ka lang naman dahil masyado kang seryoso at nag-aalala," namamalat pa rin ang boses na sabi niya.
"Hindi naman kasi sa lahat ng panahon ay pwede kang magbiro," mahina ang boses na sagot ko.
"You always give me reasons to fall in love with you over and over again," malambing na sabi niya saka isang halik ang iginawad niya sa ulo ko.
"Anong nangyayari dito?!"
Mabilis akong napatalon mula sa kama pababa sa sahig nang marinig ang boses ni ante. Patay na!
Nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha ni Aisel saka napahawak ng mahigpit sa kumot.
Nilingon ko agad si ante Mayet.
"Naku, ante wala po." Mabilis kong nilapitan ang ante ko at mahigpit na napahawak sa braso niya.
"Magkatabi kayong natulog?" kunot-noong tanong pa rin niya.
Alanganin pero sabay kaming napatango ni Aisel.
"Kate!" biglang tumaas ang boses ni ante.
"Ante, nakatulog po ako sa pagbabantay sa kanya kagabi. Maliban dun ay wala na. Natulog lang po talaga kami, kaya please po ante, huwag na po kayong magalit, hmmm!" paglalambing ko sa kanya na sinabayan ko pa ng pag-pout sa mga labi ko.
Nagtatanong pa rin ang mga tingin niya sa akin.
"I know, you are reading the atmosphere right now," sabi ko na pinaikot pa ang eyeballs ko. "Kilala kita ante, alam kong hindi ka titigil hangga't hindi nakukuha ang sagot na gusto mo. He's just being extra sweet at tsaka may sakit pa po siya. Tingnan niyo nga ang mukha ng lalakeng 'yan oh."
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)
Novela Juvenil"He's not perfect. You aren't either, and the two of you will never be perfect. Love hard when there is love to be had. Because perfect guys don't exist, but there's always one guy that is perfect for you." Bob Marley Sa isang inter-collegiate meet...