Chapter 1: Accident Happens!

9.3K 326 87
                                    


At Wellington State University

Pinagpapawisan na si Kate sa paroo't parito dahil sa pag- aasikaso sa program ng school na ipinaubaya sa kanya ng Student Council adviser nilang si Mrs. Neneth L. Gomez.

May school level kasi na palaro na magaganap sa school nila para sa darating na linggo at ang mananalo sa school level ang siyang ilalaban sa darating na inter-collegiate competition.

Aside kasi sa pagiging presidente ng Student Council ay isa rin siya sa manlalaro na sasali sa school level. Board games naman ang sa kanya, ang larong chess.

Kapag utak ang labanan, makakaya niyang laruin - scrabble, word factory, chess and other board games. Pero kapag gagamitan na ng physical strength, atras na siya. Physically hindi siya masyadong fit, hypothermic at asthmatic kasi siya kaya naman ayaw din niya sa matataong lugar dahil pakiramdam niya ay masu- suffocate siya kapag nasa gitna ng maraming tao.

Matalino at masipag kaya naman isa siya sa mga inaasahan ng mga  professors nila. Pumasok siya sa Student Council dahil sa benefits na makukuha niya rito. Kahit pa sabihing kaya naman siyang pag-aralin ng ante niya sa kolehiyo, ayaw naman niyang iasa rito lahat ng gastusin, kaya naman nagsisikap siya para makapagtapos ng pag-aaral ng walang naaabalang tao.

Isang linggong preparation.

Dalawang araw na palaro.

Pagkilala sa mga nanalo.

Another day of final preparation para sa gaganapin na inter-collegiate na laro.

*******

At Winston Academy of Engineering

"Ayan na, nandiyan na si Aisel!"

"Hi Aisel! Pansinin mo naman ako!"

"Hello loverboy!"

"Wanna hang-out tonight? Free ako buong gabi."

"See you on your practice today!"

"Balita ko bago na naman daw girlfriend niya."

"Hala, di'ba last week lang ay sila pa ni Nica. May bago na agad siya?"

"Naku, tiyak ako na hindi rin magtatagal ang bago niyang girlfriend ngayon."

"Ewan na naman sa lalakeng 'yan at hindi makontento sa iisang babae. Eh, kung sana isa sa atin ang ligawan niya, tiyak na wala na siyang hahanapin sa ating dalawa!"

'Yon lang naman ang iilan sa mga naririnig ni Aisel sa tuwing napapadaan siya sa pasilyo kapag pupunta ng basketball court para mag-practice. Sanay na siyang makuha ang atensiyon ng maraming babae mapa sa loob ng campus o sa labas man. Sa taglay ba naman niyang kakisigan at kagwapuhan, bulag nalang ang hindi magkakagusto sa kanya.

Isang linggo nalang din kasi ang natitirang panahon sa masinsinan nilang pagsasanay dahil sa darating na linggo ay inter-collegiate meet na. Ang Winston Academy rin ang nagkataong magiging host ng palaro. At dahil school nila ang host, dapat silang magpakitang gilas na ang mga manlalaro nila ay magagaling.

Hindi sila pwedeng mapahiya sa sarili nilang teritoryo.

Practice palang ay punong-puno na ng estudyante ang buong stadium na halos babae ang pumupuno nito. Paano ba naman, school's heartthrob ang ace player nila at 'yon ay walang iba kundi si Aisel Montenegro.

**********


KATE'S POV

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon