Chapter 25: Least Expected

1.1K 79 1
                                    

"It's the things that you least expect that hit you the hardest."  by iliketoquote.com

****************************

Kate's POV

Natapos ko ng tulungan si Carol doon sa ipinapagawa niya. Akala ko naman kung ano, nagpatulong lang doon sa gagawin niyang report. Kaninang lunch break ko lang 'yon ginawa.

Apat kami ngayong nandito sa loob ng Student Council Room. Kasama ko si Carol, Tricia at Jeff , tinatapos lang namin ang pagpa-plano para sa gaganaping Foundation Day ngayong darating na Oktubre. Kadalasan tuwing hapon lang kami nagkakaroon ng oras para makapag-usap. Pare-pareho rin kasi kaming busy sa pag-aaral namin. Minsan din nagse-set kami ng date na makapag-meeting kung talagang maraming dapat na mapag-usapan.

"So, everything is set," deklara ko sa harap ng mga kasamahan ko.

Sunod-sunod lang silang napatango. Nakausap ko na rin kanina si Ma'am Agatha, nagustuhan niya 'yong inihain naming proposal sa kanya. It's almost six o'clock in the evening.

"Jeff, ikaw na ang bahala sa pag-contact sa bandang magpe-perform ngayong foundation day natin. And Carol, para naman sa mga invitations and solicitations kaw na rin ang bahalang makipag-coordinate kay Mr. del Valle. And finally, Tricia, tayo naman ang bahala sa whole preparation. Ikaw na rin ang bahalang kumausap doon sa iba pa nating mga kasama." Busy pa rin kasi 'yong ibang kasama namin sa Student Council lalo na 'yong mga sophomore.

"Magpapa-t-shirt ba tayo?" hirit na tanong ni Carol.

"Buti at nabanggit mo 'yan. Itatanong ko na muna si Ma'am Agatha. Ayoko namang maulit ang nangyari sa nagdaang administration. Ang daming t-shirts na nasayang noon dahil hindi naibenta 'di ba. So, let's Ma'am Agatha decide for it," sagot ko.

Napapatango nalang din silang tatlo.

"But, the only thing is that hindi naiayos ang preparation noong nagdaang taon kaya gan'un ang nangyari di'ba. Siguro kung gumawa tayo ng kaunting twist, baka mag-work," pagkuwa'y naging masigla ang tinig ni Carol na nababakas lalo sa patuloy na pagsasalita nito. "What if, gumawa tayo ng booth. We will do some research sa mga posibleng magandang design para sa t-shirt printing, maghanap tayo ng magaling sa pag-lay-out tapos tayo-tayo na ang gagawa sa printing."

"Ahuh!" Napapatango lang kaming tatlo.

"Paano naman tayo makaka-siguro na hindi tayo malulugi in the process?" hindi naiwasang tanong ni Jeff. "Syempre, kailangan nating bumili ng mga plain t-shirts niyan, paano natin malalaman na ang mga colors na pinili natin ay patok sa mga estudyante?"

"Good point," dugtong ko naman.

Saglit na nag-isip si Carol saka napangisi ulit. "Mabuti at nasabi mo 'yan. I remember my cousin Nelson. Last month nagkaroon din sila ng t-shirt printing na ginanap sa school nila for their foundation day also. I can talk to my cousin kung papaanong paraan niya kinausap 'yong supplier ng plain t-shirt, I will tell you, ang laki ng profit nila n'un," hindi pa rin mawala-wala ang sigla sa boses nito.

"I like that idea. Hayaan mo ipapaalam ko 'yan kay Ma'am Agatha. I'm sure magugustuhan nun ang idea mo na 'yan."

"Thanks, Kate."

"So, let's call it a day. Mag-uusap tayo ulit kapag nai-finalize na talaga ang lahat," deklara ko.

Napatango at napatayo naman ang tatlo. Nauna ng lumabas sina Carol at Jeff. Kami nalang dalawa ni Tricia ang naiwan sa loob ng room.

"I thought, susunduin ka rito ni Aisel ngayon," ani Tricia sa gitna ng pagliligpit ng mga papel na nagkalat sa ibabaw ng mesa.

Nag-angat lang ako ng balikat.

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon