Chapter 51: Caught Off-Guard

920 39 4
                                        

"Expectation hurts a lot when it is not fulfilled." RaiseYourMind.com

******************************

KATE's POV

"Hey, dude! Relax, okay!" natatawang umpisa nito. "I just want to invite her to join our gig, nothing more, nothing less! Hindi ko naman siya ki-kidnap-in," patuloy niya na itinaas pa ang mga kamay bilang pagsuko.

Ayoko mang isipin pero ramdam ko ang tension sa pagitan ng mga lalakeng ito at ayokong ako pa ang maging dahilan na lumala ang tension na namamagitan sa kanilang tatlo lalo pa at nararamdaman ko ang higpit ng kapit ng mga kamay nina Mike at Aisel sa magkabila kong braso.

"I appreciate the thought, Carlo, pero hindi talaga pwede," mahinahon kong tanggi. Batid kong mabait na tao itong si Carlo, kahit pa kanina habang kumakanta kaming dalawa ay hindi ako nakaramdam ng pagkailang kasi napaka-gentleman niya. Nakita ko rin kung papaano niya inalalayan na makaupo ang babaeng bokalista kanina. Parang gusto na nga niyang mag back-out kanina para samahan ito sa hospital pero ang babae na mismo ang tumanggi, ayaw nitong masira ang performance nila dahil sa kanya. Nakangiti rin ang babae nang saglit na nakipag-usap sa akin.

Napapatangong nakaintindi naman si Carlo sa sinabi ko. "Whenever you change your mind," aniyang nag-abot sa akin ng isang calling card.

"Yeah," ang sabi ko nalang.

"See yah!" paalam niya saka tuluyan ng tumalikod at umalis.

Nang makaalis na si Carlo ay saka ko naman hinarap ang dalawa. "Kayo naman, nagmagandang-loob lang 'yong tao, eh. Wala namang masamang balak 'yon sa akin. Ang bait kaya no'n, gentleman pa," pagtatanggol ko.

Mali pala ang nasabi ko kasi mas lalong nag-iba ang bukas ng mukha ni Mike lalo na ni Aisel.

"Don't tell me, may gusto ka do'n?" aligagang tanong ni Mike.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Aisel dahil sa tanong ni Mike.

"Yan na naman kayo sa mga misinterpretations niyo, eh. Anong may gusto? Wala akong gusto doon sa tao, nababaitan lang, eh. Wala na akong panahon na magkagusto pa sa iba. Sa inyong dalawa palang ay busog na busog na ako sa sobrang pagod. Dadagdagan ko pa ba ang sakit ng ulo ko? Hindi rin kayo nag-iisip, eh. Kaya tumigil kayo ha, paranoid lang," paglilinaw ko.

Tumigil naman ang dalawang lalake.

Bahagya akong napailing. Hindi pa ba ako nasasanay sa dalawang 'to?

Isang linggo na rin ang nagdaan mula no'ng maganap ang Foundation Day. Ang planong ipagtapat kay Mike ang tungkol sa aming dalawa ni Aisel ay muling naudlot. Ang hirap humanap ng timing, eh. Umuurong palagi ang dila ko sa tuwing sinusubukan kong magtapat sa kanya. Pero gaya nga ng sabi nila, kapag pinapatagal mo ang isang bagay, mas lalo ka lang mahihirapan na umpisahan, kaya naman kailangan ko na talagang humanap ng oras at araw na maipagtapat sa kanya ang totoo.

Biyernes kaya kasama ko si Mike ngayon. 

Ito na ang araw na gusto kong ipagtapat sa kanya ang totoo. It's now or never!

Mike's POV

Kanina ko pa napapansin na hindi mapakali si Kate sa kinauupuan niya. Kakasundo ko lang sa kanya galing school. Tumigil ako sa kakasalita nang mapansin kong nasa malayo ang takbo ng isip niya. Kahit anong sabihin ko ay puro lang siya tango at 'oo'. Walang sense, napaka-dry niyang kausap sa pagkakataong ito.

I know there is something bothering her!

Minabuti kong itigil na muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada. 

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon