Madaling naging close si Pia at si Migs. Si Pia na nga ang laging umuupo sa passenger's seat ng kotse ni Migs na dati ay ako lang ang pwede umupo. Dati tuwing Sunday kami lang ni Migs ang palaging magkasama maligo sa swimming pool nila, ngayon naroon na rin si Pia.
Nakakainis pa kasi ang lakas ng loob niyang mag-two piece samantalang ako pang-kinder ang panligo. At mas lalong nakakainis dahil ang hot at sexy niya talaga kaya hindi na nakakapagtaka na natutuwa sa kanya si Migs.
Pero may ugali rin itong step sister ko eh. Okay siya makitungo sa akin pag nariyan si papa at si Migs, pero pag kami na lang, parang nandidiri siya sa akin. Tapos pag mapipilitan akong isama siya sa lakad ko, aayaw siya pag hindi kasama si Migs.
What's wrong with her? I mean, ang impokrita niya lang. Alam ko namang sinasadya niyang magpakalampa pag magkakasama kaming tatlo dahil si Migs, feeling hero, magiging concern sa kanya.
One time kunwari natapilok siya tapos nagpabuhat siya kay Migs kasi nasasaktan daw siya maglakad. At okay naman sa kababata ko na mukhang natutuwa pa. Grabe ang sarap niyang putulan ng paa! Pero honestly, sa kabila ng pagkainis ko kay Pia, alam kong nagseselos na ako. Kaya nga bigla nalang nagsihabaan ang sungay ko. Tinatarayan ko na ang step sister ko. Palagi kong pinagti-tripan at inaasar. Kaso yung bruha hindi nagpapatalo. Magsusumbong at magpapaawa siya kay Migs. Si Migs naman ay pagsasabihan ako na nagbago na ako, ang spoiled brat ko, etc.
First time niya akong sinabihan ng ganoon kaya agad ko siyang nilayasan kahit tinatawag niya ako. So ngayon si Pia ang kawawang prinsesa, si Migs naman ang prinsepeng tagapag-tanggol niya laban sa evil queen na si Nel!
Ang sarap niyang sabihan ng: ''bakit ikaw? Nagbago ka na rin ah. Halos kalimutan mo na nag-e-exist ako kapag nandiyan si Pia.''
Next day, nagulat ako kaaga-aga paggising ko katabi ko na si Migs (gawain na niya ang pumuslit sa room ko dati pa kaso natigil na nang dumating si Pia). Naiinis pa rin ako sa kanya dahil nga pinagalitan niya lang ako sa pangangaway sa step sister ko.Nag-sorry si Migs sa akin. Nilambing niya ako. Eh matitiis ko ba siya? Kaya hayun okay na ulit kami. Nag-pillow fight pa kami. Pagkatapos nasabi niyang: ''nakakamiss din to. Kailan ba tayo huling nagharutan nang ganito?''
Gustong-gusto ko siyang sagutin ng ''simula nang makilala mo si Pia'' pero tumahimik nalang ako kasi ayoko sirain ang mood namin. Sa totoo lang ay sumaya at nabuo na talaga ang araw ko dahil nakasama ko siya ulit na parang dati lang, nang kami palang dalawa. Kaso si Migs may sinabing nagpabago ng mood ko.
''Nel, please, sa susunod wag mo nang aawayin si Pia. Alam kong hirap kang tanggapin pa siya bilang kapatid pero ganon din naman siya. Naga-adjust pa siya eh. Huwag mong gawing mahirap ang lahat sa kanya at sa iyo. Please lang, Nel. Ako na lang tatanggap ng topak mo, just be kind to her.''At nawala ang ngiti sa aking mukha.
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...