Part 54

1.2K 21 0
                                    

  Mig's point of view
--
Sari-sari ang naramdaman ko nang ako ay papauwing Pilipinas. Una, sakit dahil sa ikalawang pagkakataon ay nawala muli si Nel. Natitiyak kong kapag bumalik ako ay hindi na niya ulit ako hahayaang makalapit sa kanya. Ikalawa, takot para kay dad. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa buhay namin ni mama. Ayon kay mama ay malala ang tama niya sa aksidente at hanggang ngayon ay wala pang malay si dad. Ikatlo ay kalungkutan para kay ninong. Hindi pa siya ganap na nakakabawi sa huli niyang atake, paano ko sasabihin sa kanya na ayaw nang bumalik ni Nel?
But first thing first. Kailangan ko munang makita si dad.
--
Laking tuwa namin ni mama nang –
Dalawang araw palang nang bumalik ako ay sa wakas ay nagising na si dad. Ayon sa doctor ay mananatili pa siya ng ilang linggo sa ospital para obserbahan. Sa ngayoon ay wala pang nakikitang panganib para kay dad.
Noong araw ding iyon ay nagpunta ako kay ninong John. Kahit na nakaka-recover na siya sa sakit niya ay wala pa ring bago sa itsura niya. Matamlay, payat at malungkot pa rin.
Unang pagtatagpo palang ng mga mata namin ay alam na ni ninong ang balita.
"She's still angry at me," sabi niya.
"At us, " pagtatama ko.
Napangiti ng mapait si tito. "I failed to be a good father to her. Now I'm asking her to be a good daughter to me? I'm so selfish."
Hindi ako sumagot dahil iyon din ang iniisip ko. I know he is sick and old. Pero naiintindihan ko si Nel. She was badly hurt... by us. Now she's being a numb stone to us.
"How is she? Malusog ba siya? Kumakain ba siya ng tama? Comfortable ba ang place niya? May mga mababait ba siyang kaibigan? Matino ba ang trabaho niya? Nagkakasakit ba siya, may sakit? What Migs? Tell me about my daughter? Did she talk about me?"
Nahabag ako habang nakikita ang pagdurusa ni ninong. Naiiyak na siya. Nasapo niya ang mukha niya habang humihikbi. Palakas nang palakas.
"I miss my daughter. I miss my Nelmirya."
--  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon