Siguro masyado lang akong umasa. Napansin ko kasing ang dami kong hinahanap kay Charlie. Hindi ko alam kung siya ang may mali o ako.
Wala kasing nagbago maliban sa official na kami. Palagi parin kaming nagkakatext, hatid-sundo sa classroom at madalas na sabay mag-merienda.
Pakiramdam ko may tinatago siya sa akin. He mentioned his family pero wala yata siyang balak ipakilala ako (pero okay lang kasi bago lang kami). Tapos madalang ang pinapakita niyang affection. I mean, kahit ang hawakan ang kamay ko ay iilang beses palang niyang ginawa. Tapos ang halikan ako (hindi naman sa gusto ko pero expected na kasi yon since kami nga diba?) hindi niya magawa kahit sa pisngi lang. I want to ask him pero inisip ko nalang na ginagalang niya ako at hindi pa siya gamay sa pakikipagrelasyon dahil first niya rin ako.
..
Isang gabi, sa bahay maghahapunan ang mga Lazaro. Naunahan ko pa si Pia na makababa sa dining area (palagi kasi siyang nauuna dati) which I find rare. Napansin ko rin ang negative aura niya habang kumakain na kami. Hindi sila nagpapansinan ni Migs.
As usual, si tita Ana ang nagdala ng usapan, lalo na at tungkol iyon sa birthday ko. Hindi ko inasahan ang pagiging interesado ni papa. Halos um-oo siya sa lahat ng plano ni tita Ana kahit medyo magastos. Kahit papano ay nasiyahan ako.
"And I have talked to Claire. She's going to help. Uuwi siya ng Pinas!" si tita Ana.
Alam ko ang bagay na yon. Last week nag-email sa akin si tita Claire na uuwi siya para sa debut ko. Alang-alang daw sa akin at kay mama. I appreciate their effot for me.
At dahil nabanggit na si tita Claire sa usapan, na kapatid ni mama ay tuluyan nang nanahimik si tita Becca.
Natahimik rin ako. Ang plano ko kasi ay tumira na sa poder ng tita ko pagka-graduate ko. Which means kailangan kong tumira sa malayo.
Nang una gusto kong umalis dahil alam kong wala na akong mahihita sa buhay ko dito. Tapos biglang dumating sa buhay ko si Charlie. Hindi ko naman pwedeng ibasura nalang siya matapos ko siya sagutin. It will break my heart if I break his.
That's why I made my decision...
..
Nag-usap pa ang mga nakakatanda sa dining area. Kami naman nina Migs at Pia ay lumabas na. Ramdam ko matigas na aura ni Pia. Ano kayang problema nila?
Si Migs ay sinundan ko sa garden. Ito ang una naming pag-uusap simula nang sagutin ko sa harapan niya si Charlie. I feel guilty about it, hindi ko alam kung bakit.
"May problema kayo ni Pia?"
"We're fine. Just a little understanding," sagot niya.
Akala ko pa naman nakita na niya kung gaano kaimpokrita ang step sister ko.
"So how are you with Charlie?" tanong niya na mataman na nakatingin sa akin.
"We're great!" sagot ko na pinasaya ang boses. Napansin ko naman na gusto niya ang sinagot ko.
"Good," aniya. Medyo disappointed ako sa kanya. I expected na may sasabihin siyang negative.
"It's weird you being fine of me having a boyfriend."
"That's part of the bet, na hindi na ako makikialam, so yun."
Pareho kaming natahimik. Hindi ko alam pero ang awkward. Bakit ang awkward?
"So..." basag niya sa katahimikan. "When and how will you tell him na titira ka na sa states after high school?"
Napalunok muna ako bago sumagot. "I think I have to cancel it."
Kumislap ang mga mata niya sa sagot ko. "Really?"
"Hindi na ako aalis, I guess." Gusto kong idagdag na si Charlie ang dahilan kaya ayoko nang umalis. Pero umurong ang dila ko. Ayokong sabihin iyon sa harap ni Migs.
Lalong lumuwang ang ngiti ni Migs at bigla akong niyakap.
..
Nagkasabay kami ni Pia na umakyat sa hagdan papuntang kwarto.
"Are you okay?" tanong ko at sincere ako. Kaya ko rin namang maging mabait sa kanya kahit minsan.
"No."
"You can tell me why."
Matagal siyang sumagot pero bumuntong-hininga bago magsalita. "I think Migs is cheating on me!"
Imposible, masyadong siyang bingi at bulag para sayo, sa isip ko. "He won't do that."
"I swear! Palagi siyang may ka-text at lumalayo kapag may katawagan. Tapos pag tatanungin ko kung sino, palaging kaibigan lang daw. Tapos lately, parang lagi siyang busy at hindi na ako nasasamahan."
Baka natauhan na si Migs, sa isip ko ulit. Pero ayoko namang sirain ang moment namin ni Pia, ito yata ang kauna-unahang usapan namin as girl talk.
"Maybe hindi talaga kayo for each other."
"Masaya ka siguro."
Kumulo agad dugo ko. "Excue me?"
"Gusto mo akong ganito, diba? Oh hayan, broken na ako, hindi mo na ako kailangang sapakin at ilaglag sa pool ulit."
"Masama na naman ako? I'm just trying to talk to you about your relationship."
"Ano'ng alam mo sa pakikipagrelasyon? Wala kang alam."
Panira talaga ang babaeng to. Hindi ko na dapat kinausap.
"I have Charlie no," sabi ko.
"Hmp! That loser? Hah!"
"Ano'ng problema mo kay Charlie?" napipikon na talaga ako.
"Siya ang may problema. Pakitang tao lang ang mga ginawa at binigay niya sa'yo. Pagastos-gastos pa ng panregalo sa'yo tapos walang pambayad last sem ng miscellaneous fee?"
"What?" naguluhan ako.
"Ewan ko, Nel. Basta ang alam ko, nagpromi note pa siya para lang makapg-exam last sem."
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...