Nineteen

1.3K 28 0
                                    

  Gabing-gabi na ay sinugod ko pa rin sa bahay nila si Migs. Sa kwarto niya siya ko siya naabutan. Nag-aaral.
Halata namang hindi niya expected ang pagdating ko pero hinarap niya pa rin ako.
''Ano'ng pinag-usapan niyo ni Joshua?'' tanong ko na di mapigilan ang galit.
''I had to tell what he had to know.''
''Bakit sino ka ba para makealam sa buhay ko?''
''I'm just concerned for you, Nel. I told him to be a better man for you. Alam nating pareho na hindi ka niya kakayanin. Does he even know how to drive you home without his driver? Is he strong enough physically, emotionally and mentally to handle your stubborness?''
sa mga sinasabi niya ay lalo lang akong nanggigigil sa galit. Oo nga at hindi ko kasing bold si Joshua. Oo at rich kid siya. Oo at spoiled siya sa kayaman ng pamilya niya. Tama si Migs. Pero wala pa rin siyang karapatang laitin si Joshua sa harap ko at makialam sa buhay ko.
''Very well, Migs. Ngayon ay hininto na niya ang panliligaw sa akin. Thank you.''
Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero nagpumiglas ako.
''You don't deserve him... Yet.''
''At sino naman ang karapat-dapat sa akin?'' hindi siya sumagot. ''Si Joshua nalang ang meron ako, Migs! Siya nalang ang nag-iisang lalaki na hindi ako sinaktan!''
''That's not true, Nel. I never hurt you--''
''Ulol!''
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. ''Maraming beses mo na akong sinaktan, Migs. Kayo ni papa.''
''Kung ano man ang nagawa namin sa'yo, I'm sure we did it for your own good.''
''Really? Yung pag-uuna kay Pia kaysa sa akin ay para rin sa kapakanan ko?''
Napabuntong-hininga siya na para bang hirap na hirap na siya. ''Hindi ba't pinaliwanag ko na sayo? Pia needs me and she truts me more than anyone--''
''Yeah right. Like she's your princess and you're her hero prince. At ako ang kontrabidang kailangan mong ilayo sa kanya. Hindi mo ba naisip na tulad din ni Pia na kailangan ka?''
''You don't get it, Nel. Pia is weak and vulnerable kaya kailangan niya ako. Ikaw, you don't need me. Independent ka, bold, wild and strong. Kaya mong makalusot at makatakas sa mga bagay na alam mong hindi dapat. You don't need me. That's why I'm always around her, trying to keep her from bad things.''
''Including me.'' Dagdag ko.
''You're not bad, Nel.''
''But that what you made me feel. Like I'm an evil queen in Pia's fairy tale.''
''That's not true--''
''Enough of this Migs. From now on, si Pia nalang intindihin mo. Tama ka, I don't need you kaya simula ngayon, wag na wag ka nang makekealam sa buhay ko! Mind your own business, just your business.''
He looks hurt. Binanggit niya ang pangalan ko bago ako yakapin.
Bago pa ako mahulog sa charm niya (na palagi namang nangyayari) ay kumalas agad ako at pigil ang luhang babagsak mula sa mga mata ko.
''Goodbye Prince Charming.''  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon