Eighteen

1.3K 30 0
                                    

Inis na inis ako kay Migs. Nakakahiya kay Joshua lalo na at parang naapektuhan siya.

Dumaan ang mga araw na parang demotivated na si Joshua kaya hanggang ngayon ay hindi ko kinakausap si Migs. Kung kakausapin niya ako or pupunta siya sa bahay ay palagi ko siyang iniingusan.

Hangga't sa dumating ang araw. Nang mag-uwian ay niyaya ako ni Joshua na kumain sa labas. Restaurant pa kaya sosyal talaga ang manliligaw ko. Pero kinabahan ako nang mapansin kong hindi siya mapakali. Parang hindi siya makahinga at di makatingin ng diretso sa akin. Kaya ako na ang nag-open. I asked him anong problema.

''I love you, Nel. Honestly. Pero nakapag-isip-isip ako na... na... I think tama si Migs.'' Hindi ako nakasagot. Paanong tama si Migs?

''Nel I think hindi pa ako ready. I mean, look at me. I'm still a boy. Wala akong alam kundi mag-utos sa mga katulong namin at gumastos ng pera. And look at you. You are so confident, wild and mature. You don't need a boy like me, you need a man. A man that can protect you na hindi ko kaya dahil mahina ako. Sakitin ako. I can't really explain, Nel pero sa ngayon, I have to give you up for your own good. Alam ko hindi pa tayo, mabuti nalang di mo pa ako sinasagot. Sa ngayon talaga ay wala pa akong maipagmamalaki sayo. I need time to be worthy, to be a man. Isa pa, iiwan rin naman kita. Pagkatapos ng school year na ito, titira na kami sa ibang bansa and I don't want to see you crying when I leave. So better na agapan ko na bago mangyari iyon. I'm sorry Nel. I love you so much kaya ko ginagawa ito. I want to be a better boyfriend na karapat-dapat sa'yo. Please understand...''

Hindi ko na naririnig ang mga sumunod niyang sinabi. Namalayan ko na lang na umiiyak na ako habang paalis sa lugar na iyon...

Note: awww so heartbreaking, right? Pero nakakatuwa si Joshua dahil naiisip niya pa ang ganong bagay. Bihira lang sa lalaki ang mag-isip na seryoso na daig pa ang matatanda (pero in real life may kagaya pa ba niya? :D)

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon