Ginulo talaga ni R.M. ang buhay ko. Hindi ako mapakali sa kakaisip kung sino ba siya. At ang isa pang hindi ko mapigilan ay ang kiligin sa mga efforts niya. May hint na ako na mayaman siya dahil sa mga bongga niyang gifts. Pero alam ko na malaking effort din ang paggawa niya ng poem at pag-sneak in sa classroom namin nang napakaaga para lang mailagay sa upuan ko ang gifts niya. Too bad ni hindi siya nagbibigay ng contact niya in case na gusto ko siyang makausap.
..
Isa na naman umaga at ako ulit ang nauna sa classroom. Kakatapos ko lang makausap si tita Claire sa phone, ang bunsong kapatid ni mama na nakatira na sa States, nang magulat na naman ako.
Sa chair ko ay may isang paso ng roses-- nakatanim pa! Mga tatlong piraso pa sila at halatang inalagaan mula pagkatanim. Ang ganda ng pulang-pulang mga rosas. Kaso wala akong hilig sa mga bulaklak kaya hindi ko matukoy kung anong klaseng rosas sila. Pero dahil dito, ito na ang paborito kong bulaklak. As usual, may card na naman na naiwan. Ang nakasulat:
Beauty is like roses
when its beauty is in full bloom,
it's about to decay.
-- William Shakespeare, Twelfth Night
Hi Nel. I'm not saying na mawawala agad ang ganda mo. Actually, I'm thinking na never magfe-fade ang beauty mo. What I'm trying to say is, let's savor the moment while we are young. Let love bring us together with sweet young love.
--R.M.
..
Maghapon na naman akong lutang ngayon. Nakakainis! Kung gusto nga ng R.M. na yon na maka-score, magpakilala na siya. Baka mahuli na ang lahat dahil aalis na ako sa Pilipinas.
Bago ako makasakay sa sundo ko ay napansin ko rin ang kotse ni Migs sa di-kalayuan. Namimiss ko na ang sumakay doon. Tapos napansin ko rin na parating na sina Pia at Migs sa kotse niya. Nag-uusap sila. Nakasimangot si Pia samantalang si Migs ay cool lang. Palagi naman siyang cool eh. I wonder kung nag-aaway sila.
Naunang nakasakay si Pia sa kotse. Bago naman makasakay si Migs ay napadako ang mata niya sa akin, at ngumiti ng matamis.
Tumalon bigla ang puso ko at umiwas ng tingin sa kanya. Bakit ba ganon nalang ang epekto niya sa akin?
Kailangan ko nang makilala si R.M. para malimutan ko na si Miguel Lazaro.
..
Pagdating ko ng kwarto ay nag-check agad ako ng email ko. Baka kasi may ipinadala si tita Claire. Kinausap ko na kasi siya na sa kanya ako titira pag lumipat na ako sa States.
May email nga si tita pero hindi iyon ang nakapukaw ng interes ko. Isang bagong email address ang lumabas na ang subject ay ''your Mystery Admirer''
pumasok agad sa utak ko si RM at binuksan ang message.
..
Hi, Nelmirya! I am RM, your secret admirer. I'm sorry it took me weeks to finally talk to you (even not in person) but I want you to know that I am serious. Hindi ko pa kayang magpakilala sayo dahil alam kong hindi ka pa handa. Anyway, sana nagustuhan mo ang bear. Nagkasya ba ying crown? Yung roses sana alagaan mo.
Yours Truly,
RM
..
Sa totoo lang ay nabadtrip ako dahil hindi pa rin siya nagpakilala. Pero thankful na rin dahil alam ko na kung saan siya makakusap.
I typed:
Hi RM. You're driving me crazy! Ano'ng pinagsasabi mong hindi pa ako handa? I'm becoming 18 na so allowed na akong magboyfriend. Pero hindi ibig sabihin non ay sasagutin na kita... Pero gets mo ba? Anyway, I like your gifts but I value more your efforts.
Who are you, RM? Please I want to meet you.
Nelmirya
..
Sent!
OMG. Feeling ko nagugustuhan ko na ang kupal na to. But I still want to meet him.
So bukod sa email, wala na akong ibang contact sa kanya. Alam kong mahilig siya sa poetry which I find boring. Pero ngayon, nagiging interesado na ako. Kaya ang ginawa ko ay nagresearch at nagbasa about poetry and poems. Tinutukan ko ng maigi sina Edgar Allan Poe at William Shakespeare. After hours of reading, I think I love poetry already.
BINABASA MO ANG
The Evil Queen
RomancePaano kung mawala lahat ang mga taong mahahalaga sa'yo? Iiyak ka nalang ba? Magtatampo at uupo sa isang tabi? Kung Si Nel ang tatanungin mo. basahin mo nalang ang istorya kung paano siya bumangon, gumanti at nagpatawad. ---- NOTE: This story h...