Twenty Nine

1.4K 23 0
                                    

  Kinabukasan ay hindi na ako gumising ng napakaaga dahil alam kong aabangan na naman ako ni Migs. Gumising ako sa normal na oras. Papunta palang ako ng kusina ay narinig ko na ang boses ni tita Becca. ''Bakit ka nga pala, naparito na kaaga-aga?''
''Ah kasi po...'' boses iyon ni Migs.
''Siya na po ang maghahatid-sundo kay Pia simula ngayon,'' singit ko habang parating. Naabutan ko si Migs na kausap si Pia at tita Becca.
Hindi na nakaangal ang kababata ko. ''Really? That's so sweet of you!'' react ni tita Becca. ''Pero may taga-hatid-sundo naman. You don't need to do that.''
Mukhang hindi nagustuhan ni Migs ang ginawa ko at binigyan ako ng makahulugang tingin. Hindi ko siya pinansin.
''Okay lang yon, ma. Boyfriend ko naman siya,'' sabi ni Pia.
Nabwisit na naman ako. Parang gusto pa yatang makatikim ng babaeng ito.
''Oo nga naman, tita. Magdyowa naman sila. Isa pa, ayoko nang makasama si Pia papuntang school, maliban nalang kung gusto niyo ulit syang masapak,'' sabi ko. Alam ko kabastusan na ang ginawa ko pero wala na akong pakealam. Tinaasan ako ng kilay ni Pia. Sumama ang tingin sa akin ni tita Becca. Si Migs naman, disappointed. Pero gaya nga ng pinlano ko, wala na akong pakealam.
..
Sa mga sumunod na araw ay namuhay ako sa sarili kong mundo. Si papa hindi na nagtangkang kausapin ako. Si Migs ay nagtatangka pa ring 'makabawi' sa akin. Ngunit hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon. Kamakailan lang ay huminto na siya.
Ako naman ay inabala ko ang sarili ko. Naadik na ako sa panonood ng Once Upon A Time at gustong-gusto ko talaga ang mga costume ni Regina the Evil Queen. Namalayan ko na lang na nagde-design na ako ng sariling akin.
Nasa kalahatian na ng school year at foundation day ng school. Traditional na ang magkaroon ng Pageant for teens mula basic education department hanggang college department. Bawat class or course ay may mga representatives na babae at lalake. Sa hindi ko malamang dahilan ay ako ang napili sa klase. Wala naman na akong magawa dahil pinuno na nila ako ng papuri na maganda raw ako at matalino.
Nang mag-umpisa kami ng rehearsal ay nalaman kong si Pia ang representative ng course niya. Hanggang dito ba naman ay kalaban ko siya? Pero pinigilan ko na ang ma-insecure. Siguro nga napakaganda niya. Pero kulang siya sa utak, at masaya na ako don.
Isang gabi, ang pamilya naman namin ang nag-dinner sa tahanan ng mga Lazaro. Ayaoko sanang sumama kaso nahiya ako para sa mag-asawa. Hindi pa ako nakakahingi ng pasensiya sa inasal ko nang anniversary nila (kahit si Pia naman talaga ang bitch).
Tahimik lang ako. Halos lahat sila ay maingay. Napapansin ko ang panay tingin ni Migs sa akin, pero hindi ko siya kailanman tiningnan. Si Pia naman ay walang ibang ginawa kundi kausapin ng walang kwenta si Migs.
''Nagpatahi na ako ng gown ni Pia para sa pageant,'' pagmamayabang ni Becca kay tita Ana. ''Eh diba kasali rin si Nel? Ikaw ba Nel, kailangan mo ba ng tulong?'' alok ni tita Ana. ''Talaga? Hindi namin alam,'' sabi ni papa. Tama, hindi ko nga sinabi sa kanila. Para saan pa? Hindi naman nila ako sosoportahan. Napansin kong lahat sila ay nakatingin sa akin. Maging si Migs ay mukhang di rin alam na kasali ako. That means na hindi rin nagsasalita itong si Pia.
''Kasali nga ako,'' sabi ko lang.
''Dapat sinabi mo nang napatahian rin kita,'' ani Becca. Hindi ko kailangan ang kaplastikan niya na concerned siya sa akin. At kahit kailan hindi ako hihingi ng tulong sa kanya.
''Kaya ko pong gumawa ng sarili kong susuotin, tita. Ayoko nang makadagdag sa gastusin,'' sabi ko pa na may ibig sabihin. Sigurado naman ako na malaki ang gagastusin sa damit ni Pia, lalo na at si Becca ang nanguna.
Napansin ko ang reaction nilang lahat. Napairap ang prinsesa at ang nanay niya. Napayuko si papa at galit naman na nakatingin sa akin si Migs (nagulat siguro siya dahil first time niya akong narinig na sumagot sa matanda). Nagtataka naman ang mag-asawang Lazaro.
Alam kong kabastusan ang ginawa ko. Pero manhid na yata ako. Ang nasa isip ko ngayon ay kailangan matalo ko si Pia sa pageant, at ikikiskis ko sa mukha nilang lahat ang trophy ko kapag nangyari iyon.  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon